KATOTOHANAN SA MARTIAL LAW

0

MATAGAL na pong isinisisi kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang karahasan daw na nangyari sa ilalim ng deklarasyon ng batas militar o Martial Law na ipinatupad noong 1972.

Hanggang ngayon ay mainit na usapin ito sa panahon ng halalan sa bayan ni Juan.

Lalo na ngayon na ang isa sa mga presidentiable ay anak ng dating Pangulong Marcos na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM).

Palasak at gasgas na at paulit-ulit na lamang ang kanilang ibinabato sa dating Pangulong Marcos at maging sa anak nitong si BBM.

Marami na ang nagpatotoo sa tunay na dahilan kung bakit ibinaba ang Martial Law sa mga panahon ‘yun.

Mismong si Ginoong Herman “Ka Mentong” Tiu Laurel na isa sa pinakamalapit sa pamilyang Aquino, ay nagsalita na sa totoong dahilan ng pagdeklara ni Pangulong Marcos ng Martial Law.

Si Ka Mentong, sa ilalim ng administrasyon ni ­Pangulong Corazon Aquino, ay administrator ng Philippine Refugee Processing Center (PRPC) na ngayon ay Bataan Technology Park, Inc.).

Sa kabila ng pagiging malapit niya sa ­administrasyon ni Cory Aquino ay nagsalita siya at ikinuwento niya na kumbinsido siya na dapat lang ideklara ni Pangulong Marcos ang Martial Law.

Aniya, kung hindi ginawa ni Pangulong Marcos ang pagbaba ng Martial Law, ay komunista na ang Pilipinas ngayon.

Sa panahon na ‘yun ay talagang may bantang rebelyon sa gobyerno dahil sa panggugulo ng grupo ni Joma Sison, ang Communist Party of the Philippines New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Nangyari na ang Plaza Miranda bombing na isang political rally ng Liberal Party (LP) at isinisi nila ang pambobombang ito kay Pangulong Marcos.

Pero lumabas ang katotohanan makalipas ang ilang taon, na maraming lumutang na pakana ito ng kampo nina Joma Sison at Ninoy Aquino.

Mismong si dating Ex-General Victor Corpus na naging miyembro ng NPA at kalaunan ay bumalik sa ­gobyerno, ay nagsalita na ang nasa likod ng Plaza Miranda bombing ay sina Ninoy Aquino at Joma Sison.

Ang statement na ito ni Gen. Corpus ay sinang-ayunan ni Ka Mentong na kalaunan ay kumalas din sa grupo ng mga Aquino.

Maging ang dating rebeldeng si Father Conrado Balweg ng Cordillera Region, pinuno ng Lumbaya Company ng NPA, ay nagsalita rin na ang number 1 human rights violators ay ang CPP-NPA-NDF na pinangungunahan ni Joma Sison.

Ayon pa sa pananalita ni Fr. Balweg, marami ang ipinapatay ng kampo ni Joma Sison sa kanilang nasasakupan sa Cordillera Region, kabilang na ang ilang mga pari, matatanda at kabataan.

Ikinuwento pa ni Gen. Corpus na noong 1971 ay siya ang naatasan ng CPP-NPA-NDF na sumalubong sa barkong may pangalang M/V Karagatan na naglalaman ng isang libong mga baril na ­galing China para gamitin ng mga rebelde laban sa ­gobyerno ng Pilipinas.

Pero sa kasamaang palad ang shipment na ito ay nakita ng pribadong eroplano kaya naitimbre ito sa militar.

Kung kaya’t nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng militar at grupo ni Corpus.

Sa halip na isang libong baril ang mapupunta sana sa mga rebelde ay halos tatlong daan na lang ang nakarating sa mga NPA.

Iisa lang ang ibig sabihin niyan, ayaw ng Panginoon na malagay sa kapahamakan ang lahi ni Juan dela Cruz.

Kaya malinaw na ito ang dahilan kung bakit idineklara ni Pangulong Marcos ang Martial Law.

Ngayon ang mga dilawan ay paninira pa more laban kay BBM! Bistado na kayo!

Kung tama ang mga ipinaglalaban n’yo, bakit kumalas sa inyo ang malalapit sa inyo, ibig sabihin nagising na sila na ginagamit n’yo lang sila para baliktarin ang katotohanan.

Maging ang dating Vice President ni Cory Aquino na si Doy Laurel ay kumalas din sa kanila.

Nangangahulugan lamang na hindi nila masikmura ang inyong ginagawang panlilinlang sa taumbayan.

Hanggang ngayon ay hindi n’yo pa rin matanggap na bistado na ang inyong plano na gusto n’yong gawing komunista ang Pilipinas at kayo ang mamumuno.

Sila ang dapat imbestigahan ng International Criminal Court (ICC) para malaman kung gaano karami ang kanilang biktima ng human rights.

Basang-basa na ang inyong mga papel sa ­taumbayan, kaya kahit anong paninira n’yo kay BBM ay lalo pa itong nagpapalakas sa kanyang pagkatao. Mga ­sinungaling!

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa ­joel2amongo@yahoo.com.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment