KATOTOHANAN SA PARATANG SA ABS-CBN

PRO HAC VICE

NAHAHARAP ngayon sa isang  malaking isyu ang number one television station sa bansa – ang kapamilya network/ABS-CBN.

Totoo ba ang ang tinuran ng office of the solicitor general na mayroong mga paglabag ang ABS-CBN sa ipinagkaloob sa kanilang pribilehiyo ng estado nang maglunsad ito ng pay per view channel sa ABS-CBN TV Plus at  KBO Channel nang walang pahintulot o permiso mula sa National Telecommunications Commission (NTC)?

Malalaman po natin yan mga ka-SAKSI dahil sa Supreme Court  En Banc session kahapon ay inaktuhan na ng Korte Suprema  ang “Very Urgent Motion for Reconsideration” ni Solicitor General Jose Calida na humihirit na mapawalang-bisa ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa umano’y ilang paglabag.

Sa ginanap na en banc session ng mga mahistrado ng KS, nagdesisyon ang mga ito na bigyan na ng pagkakaton ang ­respondent o ang ABS-CBN na maghain ng komento sa loob ng 10 araw.

Kasama sa pinagkokomento ng Supreme Court (SC) si Calida quo warranto petition ang subsi­diary ng Kapamilya network na ABS-CBN Convergence Inc.

Nakasaad sa petisyon na inihain ni SolGen. Ca­lida noong Lunes na inabuso umano ng ABS-CBN ang pribileyo na ipinagkaloob ng pamahalaan sa kanila nang maglunsad ito ng pay per view channel sa sa kanilang mga produktong ABS CBN TV Plus at  KBO Channel nang walang pahintulot  ng NTC.

Subalit ayon naman sa ABS-CBN management, pinayagan sila o inawtorisa sila ng NTC kaugnay sa paggamit ng ABS-CBN ng conditional access system software na ginagamit nito sa pay-per-view. Wala ring sinasabi ang prangkisa ng ABS-CBN na bawal itong mag pay per view. Mayroon ding certificate of good standing ang ABS-CBN TV Plus sa NTC noong 2019.

Inaasahang magkakaroon ng maagang desisyon ang Mataas na Hukuman sa isyu dahil paso na o tapos na ang takdang araw na ibinigay ng gobyerno sa ABS-CBN upang gamitin ang kanilang prangkisa. Sa darating na ­buwan ng Marso ang takdang pagkapaso ng permit nito.

Kaya naman mga ka-Saksi, huwag bibitiw sa isyu na ito at kailangang mabatid at masaksihan ng karamihan ang mangyayari. Sa madaling salita kailangang “abangan ang susunod na kabanata.”

 

192

Related posts

Leave a Comment