MAHILIG talaga sa sabong ang mga Pilipino. Kumbaga, libangan na nila ito.
Sinasabing para naman sa mga taong mahilig sa sabong, ang konsepto ng ‘katapangan’ ay sinisimbolo raw ng mga manok na panabong.
Siyempre, hindi maitatanggi na mula noong mga unang panahon, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kinagigiliwan ng mga kalalakihan ang sabong. Hindi naman natin maitatatwa ito.
Bukod sa mga aksyong dulot ng labanan, kinakitaan nila ang mga manok na panabong ng kakaibang tapang.
Paano, kaya nilang sumuong sa bawat laban nang hindi iniinda ang sakit na
nararamdaman nila. Sumisimbolo rin iyan sa katapangan ng mga Pinoy.
Kahit anong pagsubok o hirap na dumaraan sa atin, nagagawa pa rin nating ngumiti at dahan-dahang nakakabangon.
Natural sa mga kalalakihan ang ganitong pagkahilig sa aksyon. Karamihan sa ating mga lalaki, naniniwala na ito’y tanda ng pagiging isang tunay na anak ni Adan.
At dahil sa hindi nila ito magawa, sa iba’t ibang kadahilanan, nakahanap sila ng paraan sa pamamagitan ng paggamit ng ‘props’, kabilang na nga raw diyan ang mga manok na panabong.
Masasabi rin na ang ‘katamaran’ ay isang kaugaliang likas daw sa mga Pinoy, karaniwang matatagpuan sa mga taong mahilig daw umasa sa iba para sa sariling kapakanan.
Pagdating sa sabong, aba’y talagang nahuhumaling naman dito ang mga Pinoy. Gustong-gusto nila ang bakbakan ng mga manok.
Ngunit dahil sa restrictions, nauudlot ang pagkaatat nila sa mga labanan ng mga panabong.
Bunga kasi ng kasalukuyang sitwasyon, napagdesisyunan na iurong ang inaabangan nating 8th International Gamefowl Festival.
Naku, huwag po kayong mainip. Ito’y dahil tuloy pa rin naman ito.
Inuuna naman kasi ng mga organizer ang kapakanan at kaligtasan ng bawat isa para maging mas exciting at masaya ang muling pagbabalik ng event.
Aba’y magkita-kita po tayo sa World Trade Center sa darating na February 25-27, 2022!
99