KORAPSYON SA NAIA LAGOT KAY BBM-SARA

NANINIWALA ang isang grupo ng Immigration officers na nakatalaga sa NAIA na mas lalong mapapaigting ng BBM-SARA ang pagsugpo sa sindikato ng ilang tiwaling opisyales ng Bureau of Immigration.

Ayon sa natanggap ­nating impormasyon, patuloy umanong pinag-iinitan dito ang ordinaryong Immigration officers at supervisors na ayaw sumama sa isang grupo na siyang nagmamaniobra ng iligal na gawain.

Isang baklitang beteranong opisyal umano na nakatalaga sa main office ng BI ang siya ngayong nagpapagalaw sa ilang puppet na tauhan nito sa NAIA sa pakikipagsabwatan sa dalawang Chinese handler na sina alias “Betty Chuwawa” at “Anna” na siyang aktibo ngayon sa pagpapalusot ng Chinese POGO workers sa bansa. Ang flights umano na madalas gamitin ng mga ito sa pagpapalusot ay ang 3K761, CI701, HX781, at CZ7039.

Tila kinakaya-kayanan umano ng dalawang ito ang mga IO sa airport upang utusan silang asikasuhin maging ang pagkain ng excluded passengers na hinarang ang kanilang pagpasok sa bansa.

Bukod sa human ­smuggling na ginagawa umano nina Betty at Anna ay sila rin ang lumalakad sa main office ng 9g ­working visa ng POGO workers gamit ang kanilang dummy na travel agency.

Alam kaya ito ni Sir DOJ Secretary Menardo Guevarra at tila hinahayaan itong mangyari? Sir, Takot ka ba kay Baklita?

Kaugnay nito, nagulat umano ang tanggapan ni BI Deputy Commissioner ­Aldwin Alegre nang masangkot ang kanyang pangalan sa NAIA terminal 1 makaraang may ­gumamit ng kanyang pangalan upang ipa-hold ang ilang ­Viet­nam­ese excluded passengers na papasok sana sa bansa bilang POGO workers. Hmm, ‘di ba dapat, Sir, ay imbestigahan mo rin ang ilang tauhan mo na matakaw umano sa pag fixing? Aba baka hindi mo alam, sila kumikita gamit ang pangalan mo.

Ang tanim bala noong mga nagdaang administrasyon na nambibiktima sa mga pasahero sa NAIA ay nasugpo ni Pangulong Rodrigo Duterte at kung sakaling palarin ang BBM-SARA sa eleksyon 2022 ay magwawakas na ang maliligayang araw ng baklitang opisyal ng BI kasama ng kanyang dalawang kasabwat.

Ang Manila International Airport ay naproklama ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1972 sa pamamagitan ng Executive Order 381, at pinalitan sa panahon ni Cory Aquino sa pamamagitan ng Republic Act 6639 noong November 27, 1987 bilang Ninoy ­Aquino International Airport.

Para sa inyong reaksyon at sumbong, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

72

Related posts

Leave a Comment