KULELAT PA RIN ANG QC KAPIT LANG

Nagtataka tayo bakit hindi makaalis-alis ang Quezon City sa pagiging kulelat kung ang pag-uusapan ay ang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Sa isang survey na nalathala sa social media kaugnay ng satisfaction rating ng mga punong lungsod sa Metro Manila mula May 14 hanggang June 2, pangalawa sa huli si Mayor Joy Belmonte matapos siyang makakuha ng 47 porsiyento, isang puntos lang na kalamangan sa 46 porsiyento ng pinaka-kulelat na si Mayor Mel Aguilar ng lungsod ng Las Pinas.

Ang mga nanguna sa survey ay sina Pasig City Mayor Vico Sotto na may 97 percent satisfaction rating. Sumunod si Marikina Mayor Marcy Teodoro 95 percent, Mayor Ike Ponce ng Pateros 94 percent, Mayor Isko Moreno ng Maynila at Rex Gatchalian ng Valenzuela na nagtabla sa nakuhang 92 percent satisfaction rating.

Mahigit tatlong buwan na nang tayo ay nakipaglaban sa pandemyang ito. Pero mula sa simula hanggang sa kasalukuyan, wala tayong narinig at nabasang pinuri at pinalakpakan ang anomang effort o pagsisikap na ginawa ng Quezon City na matugunan ang problemang dulot ng pandemya.

Nakakalungkot isipin na bagaman ang ibang lungsod sa Metro Manila sa pangunguna ng kanilang mga alkalde ay namamayagpag at panay ang pagtanggap ng papuri, kulelat pa rin ang QC.

Programa at mga pagpa-plano ba ang problema o mismong si Mayora?

Kung ating bubusisiing mabuti, halos lahat ng ginagawa ni Mayor Vico sa Pasig ay ginagawa din naman sa QC. Ang mga programa ni Rex Gatchalian sa Valenzuela ay programa din ng QC. Ang pamimigay ng Assistance Fund sa mga residente at senior citizens ni Yorme sa Maynila ay kinopya din naman sa QC at ang personal na pagharap sa pandemya na nakita kay Mayor Marcy ng

Marikina ay nakita rin naman kay Mayor Belmonte ng QC.

Ano ngayon ang problema bakit kulelat pa rin ang QC? Baka may kulang kay Mayor Belmonte?

Kung anoman yun, kayang-kayang sagutin yan ng maraming mga taga-Quezon City. Kaya sa mga taga-Quezon City, Kapit Lang!!!

90

Related posts

Leave a Comment