‘KUSINA ON WHEELS’ NI CONG. ARJO ATAYDE UMIKOT SA BRGY. STA. CRUZ, BRGY. PALTOK

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY ang pag-arangkada ng ‘Kusina on Wheels’ project ni Cong. Arjo Atayde sa Distrito 1, Quezon City.

Katunayan, kabilang sa mga pinakahuling inikutan ng programa ni Cong. Atayde ang General Lim Covered Court sa Barangay Sta. Cruz, QC.

Kasama sa pag-iikot ang ina ni Lodi Cong na si Ms. Sylvia Sanchez upang personal na mamahagi ng pagkain.

“Nagpapasalamat po tayo sa ating mga barangay official ng Brgy. Bungad sa pamumuno nina Kapitan Joemar Baetiong, Kgd. Ivan Dela Cruz, Kgd. Emil Padilla, Kgd Rosemarie Barte, Kgd. Jonjon Alberto, Kgd. Ramil Naquilla at mga barangay staff na tumulong sa ating Kusina on Wheels,” wika ng kongresista.

Ayon kay Cong. Arjo, “Masayang makita ang inyong mga ngiti habang tinatanggap ang ating munting handog para sa inyo. Sisikapin po natin maikot ang kabuuan ng ating distrito at maibahagi ang feeding program na ito.”

Bukod dito, nagtungo rin ang ‘Kusina on Wheels’ sa Anak ­Bayan St. Barangay Paltok, kasama si Ms. Sylvia. Nagpasalamat din ang mambabatas sa mga opisyal ng barangay sa pamumuno nina Kapitan Sonny Paragua, Kgd. Rowie Del Rosario, SK Kgd at mga barangay staff na tumulong sa kanilang proyekto.

Samantala, dahil naman sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni Cong. Arjo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), patuloy ang pagsasagawa ng lingguhang payout para sa mga idinudulog na tulong sa kanilang district office.

Nitong nakaraang linggo, sinasabing nakapagbigay ang tanggapan ng kongresista ng tulong pinansyal sa 584 katao sa Distrito 1.

“Mula sa tulong medikal, burial assistance at maging sa mga hospital bills ay nakakapag-abot po tayo ng tulong sa pamamagitan ng DSWD-AICS Payout,” sabi ng batang solon.

Napag-alaman na bukod sa lingguhang financial assistance o payout ay may iba’t ibang proyekto rin sa district office ni Cong. Arjoy gaya ng free medical laboratory, national ID application at distribusyon ng multivitamins.

“Hiling at dalangin ko po na maging malusog at ligtas po ang lahat ngayong nalalapit na kapaskuhan,” ayon kay Cong. Arjo.

“Tunay at tapat na serbisyo. Maliit man o malaking problema, ang misyon namin ay bigyan ito ng solusyon. We will be a better government here. Hindi pangako kung hindi, totoong plano.

Ayoko pong maging magaling na pulitiko, ang gusto ko po ay maging mabuting public servant,” dagdag pa ng masipag na kongresista.

Saludo ako kay Cong. Arjo sa mga magagandang proyekto at programa niya sa kanyang nasasakupan.

Mabuhay kayo at God bless po!

43

Related posts

Leave a Comment