LAMBING, KASAMA SA PUHUNAN NG VITA ELITE RESELLER STORE

Bizzness Corner ni JOY ROSAROSO

ITO ang nagpapatunay na maliit man or malaking negosyo, sure tayo pare-pareho ang pagsisimula ng sistema ng negosyo. Planning, pag aayos ng documents, at sa pagbabayad ng taxes. At alam naman natin na malaki ang ambag nila sa ekonomiya ng bansa.

Kagaya ng Vita Elite Reseller Store. Sila ay may mga sari-saring beauty supplies sa mga salon at spa, at limang taon nang namamayagpag ang negosyo.

Dahil kikay ang may-ari at alam niya na ang ating mga kababayan ay kailangan ding magpaganda at mag-relax sa spa kaya ito ang naisipan niyang negosyo. Babae man o lalaki ay need ng ganitong relaxation.

Kaya siya tinagurian ‘Queen of beauty products reseller store’ dahil bukod sa maasikaso sa mga client ay honest din sa mga costumer niya at kung may mga hinahanap na product si client ay inaasistehan niya at itinuturo rin iyong best and mura, bukod sa sinisigurado nilang maganda at ligtas ang produkto at nasa tamang halaga. Iyon ang dahilan kung bakit pabalik-balik ang mga kliyente ng Vita Elite Reseller Store.

Minsan ay nagmimistulang consultant din ng mga client ang may-ari nito dahil sa dami ng brand products na hinahanap ng mga customer.

Dumating din sa buhay nila iyong dagok ng panahon ng pandemya pero hindi sila sumuko. Gumawa sila ng iba’t ibang paraan to survive. Ang nasa isip, laban lang, matatapos din ‘yan, babalik din sa normal.

At nanumbalik na nga unti-unti ang sitwasyon sa Vita Elite Reseller Store.

Kaya sabi nila, kung gusto mong pasukin ang ganitong negosyo, kailangan sigurado ka sa produkto mo at may malasakit ka sa mga client. Hindi rin dapat mawala ang lambing ng mga customer na discount at freebies. Dapat galingan mo dahil ang hirap kumita ng pera ngayon, at walang tigil na pag-aaral to improve, at mag-explore.

May tip din ang Vita Elite reseller, kailangan laging malinis ang paligid at magagalang ang staff. Sa pagsisimula, pwede na ang P50,000 capital depende sa pwesto mo at kung ano ang priority mong i-carry na mga produkto.

Matatagpuan ang Vita Elite reseller store sa Quiapo, Manila.

176

Related posts

Leave a Comment