LIBRENG SAKAY SA MAG-AARAL MALAKING BAGAY

PUNA Ni JOEL AMONGO

UNTI-UNTI nang nara­ram­daman ang malasakit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM) sa mga Pilipino.

Bakit natin nasabi ‘yan? Kamakailan sinabi ni PBBM na dapat palawigin ang libreng sakay ng mga ­estudyante sa EDSA Carousel Bus, MRT-3, LRT-2 at PNR.

Ito ang regalo ni PBBM sa mga mag-aaral dahil sisimulan na ang face-to-face classes sa Agosto.

Ang memo mula kay PBBM ay resulta ng miting kamakailan kasama ng transport officials sa pamumuno ni DOTr Secretary Jaime Bautista at Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa Malacañang Palace.

“Considering the ­availability of budget for Service ­Contracting under GA 2022, the undersigned recommends the continuation of the Libreng Sakay Program for all passengers of the EDSA Carousel Bus,” base sa bahagi ng DOTr memo.

Ang hakbang na ito ni PBBM ay para makabawas man lang kahit paano sa gastusin ng pamilyang Pinoy lalo na sa pagbabalik ng ­face-to-face classes makalipas ang dalawang taong ­pandemic na naranasan natin.

Ang extended Free EDSA Carousel bus rides ay hanggang December 2022.

Ipatutupad ng DOTr ang ‘Libreng Sakay for Students Program in MRT-3, LRT-2, and the PNR while ­simultaneously ­recommending halting free rides for all MRT-3 passengers’.

“Considering the welfare of students, however, whose learning outcomes have been disproportionately affected by the pandemic, the undersigned recommends implementing a Libreng Sakay for Students Program for the First Quarter of School Year 2022-2023, or from 22 August 2022 to 04 ­November 2022. The ­Libreng Sakay for students will be implemented in MRT-3, LRT-2, and PNR,” ayon kay DOTr Secretary Bautista.

Ang Department of Education (DepEd), sa kasalukuyan na nasa ilalim ni Vice President Sara Duterte, ay tinatayang may mahigit sa 38,000 eskuwelahan sa bansa ang nakatakdang magpa­tupad ng face-to-face classes para sa school year 2022-2023.

Ibig sabihin, handa na ang free rides sa EDSA ­Carousel Bus, MRT-3, LRT-2 at PNR, dapat mas lalong handa na ang mga bata para sa kanilang pagpasok.

Hindi pwede ‘yung ­tatamad-tamad ang mga mag-aaral dahil kayo naman ang magdadala niyan kung kayo ay makapagtapos sa inyong pag-aaral.

Mas may pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral ang mga bata ngayon kasi libre na ang tuition sa universities and colleges na pinatatakbo ng gobyerno.

Kaya sa panahon ­ngayon, ang hindi makapagtatapos sa kanilang pag-aaral ay nasa kanila na ang problema. ­Lahat naman na ay ginagawa ng ­gobyerno para sa taumbayan.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0966-429-4612.

76

Related posts

Leave a Comment