LIFESTYLE CHECK SA MGA EMPLEYADO NG BI

PUNA Ni JOEL AMONGO

NAKATANGGAP tayo ng ­impormasyon na may mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na yumaman na sa kanilang raket sa ahensyang ito.

Ganito ‘yan, Sir, si alyas “B” na taga-Eastern Samar ay ordinaryong empleyado lang ng BI, ay mayaman na ngayon.

‘Yan ang bungad sa atin ng isang nagkwento sa akin na mayroon siyang kilala na empleyado ng BI na ang apelyido ay nagsisimula sa “B” na nagkamal ng pera simula nang makapasok ito sa nasabing ahensya.

Ayon pa sa kanya, hindi ba naman yayaman si alyas “B” sa P250K kita kada isang Indian national na pumapasok sa bansa.

Kaya ayon, maraming ari-arian na itong si alyas “B”, kabilang sa mga ito ang mara­ming sasakyan, bahay, lupain sa kanyang probinsya at resort sa Central Luzon.

‘Pag umuwi raw itong si alyas “B” sa Eastern Samar, ay talo pa nito si Manny Pacquiao kung mamigay ng pera sa kanyang mga kababayan.

Umaagos lang na parang tubig mula sa mga kamay ni alyas “B” ang pera kung mamigay ito sa kanyang lalawigan.

Maging ang kanyang mga kababayan ay nagtataka kung bakit ganu’n daw karaming pera itong si alyas “B” samantalang sa pagkakaalam nila ay isang ordinaryong empleyado lang ito sa BI Central Office.

Tuloy, nag-iisip sila na may raket itong si alyas “B” sa BI.

Tama kayo sa inyong iniisip kay alyas “B” dahil ang raket nito ay P250K ang kita nito sa bawat Indian national na pumapasok sa bansa.

Sa rami na ng Indian ­national sa Pilipinas na nagpapautang ng “5’6”, kung dumaan sa mga kamay ‘yan ni alyas “B” ay sob­rang dami na ng pera niya. ‘Pag nagkataon, baka mas mayaman pa siya sa kanyang boss sa BI na si Commissioner Norman Tansingco.

Commissioner, Sir, papayag ba kayo niyan na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ‘yang si alyas “B” sa inyong ­tanggapan? Sisirain kayo niyan, Sir.

Agapan n’yo na, Sir, alamin n’yo kung sino ‘yan, pwede kong ibulong sa inyo ‘yan.

Mahirap niyan, Sir, baka ginagamit pa pangalan n’yo n’yan.

Dapat d’yan, Sir, isailalim ‘yan sa lifestyle check para malaman n’yo kung gaano na kara­ming pera ‘yang si alyas “B”.

Baka sinasabi pa niyan sa kanyang mga kausap na Indian nationals na bata mo siya dahil parehas kayong taga-Region 8 (Waray).

‘Pag pumutok ang raket niyan, Sir, kayo rin ang masisira n’yan dahil kayo ang pinagkatiwalaan ni Pangulong Bongbong Marcos na mamuno riyan sa BI.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

25

Related posts

Leave a Comment