MABUHAY KA DFA SECRETARY LOCSIN

0

IPINAKIKITA ngayon ng ating magiting na Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin na wala siyang kinatatakutan.

Kahit ba sabihing nakakatulong sa atin ang China subalit mali naman ang kanilang ginagawa ay hindi sila dapat matawag o maituturing na kaibigan. Sa totoo lang, masyado na tayong binabalasubas ng China. Kaibigan ba silang maituturing kung tayo ay i-bully ay ganun-ganon na lang?

Dapat sa ambassador ng CHINA na si Huang ­Xilian ay mapabilang sa mga pinalalayas dito sa Pilipinas kasama ang kanilang mga barkong ­ipinarada sa ating ­teritoryo.

Dahil sa bukod sa sinungaling ang ambassador na ito ay “nambaba-oi” pa. Salitang Quezon po iyan na ang ibig sabihin po ay ipinapamukha sa atin ang kanilang naibigay na tulong.

Hindi ba kasinunga-lingan yung sabihin nitong si Ambassador Huang na kaya naka-angkla raw doon ang kanilang mga barko ay dahil sa sama ng panahon.

Masamang panahon?

Pero nung umikot na ang Philippine Coast Guard at pinuntahan ang mga mala-higanteng barko ng China gamit lang ang rubber boat, aba hindi man lang sila nahirapan sa pagpunta.

Yon ba ang masama ang panahon? Kaya ang laki mong SINUNGALING Mr. Ambassador.

Bukod sa kasinunga-lingan ay, ipinangalandakan pa nitong si Huang ang kanilang mga ­ibinigay na bakuna. Ang alam ko sa isang tunay na kaibigan ay hindi binibilang ang tulong na ipinagkakaloob nito sa kanyang kaibigan.

Pero yang mga Intsik na yan binabalasubas tayo ng harap-harapan. Kunyari ay tumutulong para ano? Para puwede na nilang gawin yung nais nila sa teritoryo natin sa West Philippine Sea?

Di rin ako sang-ayon sa pahayag ni Pangulong Mayor Digong Duterte noong nakaraang Lunes!! Na sinasansala niya ang pahayag ni DFA Sec. Teddy Boy Locsin laban sa CHINA.

Nag-iisang gabinete mo na nga lang yang lumalaban sa mga intsik pinapara mo pa?!

Parang nais yatang palabasin ni Digong na ok lang na sipa-sipain tayo ng mga Intsik at agawan ng ating mga palaisdaan sa West ­Philippine Sea?

Ano ba yan Pangulong Digong! Ang taas-taas pa naman ng bilib ko sayo?! Tapos ngayon ganoon na lang? ibig mo bang ­sabihin na isusuko na lang natin ang ating karapatan?

Natatandaan ko pa ang sabi mo noon Mr. President na handa kang sumakay sa speedboat o jetski at magtutungo ka sa naturang lugar bitbit ang watawat ng bansa upang ipamukha sa mga Intsik at sabihin sa kanila na atin yung lugar na kanilang kinakamkam.

Nasaan na yung pangako mong yon Mr. President? Ahhh, alam ko na ang sasabihin mo, na nagbibiro ka lang diba?! madalas mo namang scapegoat ang salitang yan eh. “NAGBIBIRO”??!

O baka naman takot ka lang na mapahiya?

Dahil alam mo na ­kahit ikaw pa ang magtungo roon pagtatawanan ka lang ng mga singkit na mga yan at itataboy ka na parang “ASO” gaya ng mga ginagawa nila sa ­ating mga kawawang mangingisda na ­bukod sa itinataboy na ay ­kino-kotongan pa ng mga Chinese na mga yan!?

Sabagay Mr. President, ano pa nga ba ang aasahan sayo ng mga mamamayan, eh aalis ka na rin naman sa 2022, bakit ka pa nga naman ­makikipag-away sa ­sinasabi mong kaibigan mo??! Hayyy naku bayan ko!?

Kaya nga pagminsan di mo na masisi yung iba nating mga kababayan na lumayas na lang ng Pinas at piniling manirahan na lang sa ibang bansa.

Isang masaklap na katotohanan, na ang ­ating mga pinipiling mga ­mamumuno sa ­ating bansa hanggang sa ­kampanyahan lamang magagaling at wala ng kasunod pa na gagawin para tuparain ang kanilang mga pangako.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment