MACHO CHIQUITO NG BI, HAWAK NG ‘SINDIKATO’

0

SA kabila ng kaliwa’t kanang alegasyon ng korapsyon at pag-abuso sa kapangyarihan itong kawani ng Bureau of Immigration (BI) na binansagan nating “Macho Chiquito” ay tila “untouchable” kay mismong pinuno ng ahensiya na si Commissioner Jaime Morente.

Ipinarating sa Bistador ng mapagkakatiwalaang source na hanggang ngayon ay walang ipnag-utos si Morente na imbestigasyon laban kay alyas Macho Chiquito.

Ibinulong ng source sa ­Bistador na madalas na nakikita si Macho Chiquito na pumapasok sa Commissioner’s Office.

Habang naglalakad patungo sa tanggapan ni Morente ay halos pumutok umano ang bulsa nitong si Macho Chiquito.

Paglabas, hindi na raw maambok ang mga bulsa?

Hmm… Ano po kaya ang laman ng kanyang ‘mahiwagang’ bulsa?

Huwag pong masyadong malikot ang isip n’yo.

Malay natin, may baon si Macho Chiquito na underwear na “extra small” ang sukat.

Mayroong programa ang BI at ang Anti – Red Tape Authority (ARTA) na pinamumunuan ni Director General Jeremiah Belgica laban sa katiwalian at korapsyon sa BI.

Ngunit, bakit wala tayong nabalitaang pinaimbestigahan ni Morente si Macho Chiquito.

Kamakailan, bumisita ‘kuno’ ang opisyal ng ARTA sa BI, ­ngunit wala naman umano itong ginawa, kundi ang ­magpakyut sa ahensya, kasama ang mga tauhang mistulang “boy scout” pa sa larangan ng ­pag-iimbestiga sa katiwalian at korapsyon.

Natisod din ng Bistador na kasabwat umano ni Macho Chiquito ang ilang malalaking ‘handler’ ng Chinese nationals na sina alyas “Charlie” at “Huayi” sa pagbibigay sa kanya ng mga papeles upang hindi mailagay sa Blacklist ang mga umaalis na Chinese national sa bansa makaraang natapos ang kanilang visa upon arrival (VUA).

Tinalakay ko sa nakaraang kolum ko ang raket nitong si Macho Chiquito tungkol sa hindi paglalagay sa BI Blacklist ng mga pangalan ng mga dayuhang umalis na sa ating bansa.

Kasabwat pala ni Macho Chiquito ang ilang tauhan ng Immigration Regulation Division (IRD) na posibleng kasama sa sindikato?

Libu-libong salapi haggang P1 milyon ang pinag-uusapan sa ginagawa ni Macho Chiquito, ngunit bakit kaya hindi pinaiimbestigahan ni Morente si Macho Chiquito?

Pupuwedeng simulan ang imbestigasyon sa Statement of Assets and Liabilities Networth (SALN) upang malaman kung milyonaryo si Macho Chiquito, o hindi.

Aba, Commissioner Morente, sir, baka isipin ng mga empleyado ng BI na ­nakikinabang ka kay Macho Chiquito kung hindi mo siya ­paiimbestigahan.

Nagpapaalala lang po.

Abangan sa susunod ang ating pagbubunyag sa korapsyon umano nitong si alyas Macho Chiquito ng BI at ng kanyang mga kasabwat.

oOo

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon, maari ninyo akong itext sa 09158888410.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment