PUNA Joel Amongo
PINAHANGA tayo ng mga tauhan ni Col. Joel Casupanan ng Regional Highway Patrol Unit – National Capital Region (RHPU-NCR) sa Camp Crame, Quezon City, sa pagkakatiklo nila sa mag-live in partner na mga estapador.
Nakatanggap tayo ng report mula sa ating kaibigan na si Renan Lopez ng Pinoy Extreme TV, na ipinadala naman sa kanya ng kaibigang niyang si RHPU-NCR Chief Col. Joel Casupanan, na may mag-live in partner silang natimbog.
Si Anthony Edgard Gaba y Gaticales, 27, tambay, kasalukuyang residente ng 277 Provincial Road, Siling Matanda, 3014 Pandi, Bulacan, ay may kasong ESTAFA, na may criminal cases #20784, 25461,20801, 20808, 20699, 20727, 20787, 20731, 20761 at 20763.
Samantala, ang kanyang live-in partner na si Nikki Joy Pon y Gurdiel, 27, call center agent, at kasalukuyang residente rin ng nasabing address, ay may kaso ring estafa na may criminal cases #20784, 25461, 20801, 20808, 20699, 20727, 20787, 20731, 20761, at 20763.
Sa phone interview natin kay Col. Tukayong Casupanan, si Gaba ay may 51 warrant of arrest, susmaryosep! Sa edad nitong 27-anyos, ang dami niya nang naperwisyong tao.
Si Pon naman na kanyang live-in partner na nasa 27-anyos lang din ang edad, ay may 6 na warrant of arrest na pawang mga ESTAFA rin.
Nagkasundo ang dalawa sa kanilang modus, ang dami na sigurong naipong pera ng mga ito sa dami nilang nagoyo.
Buti na lang matinik ang mga tauhan ni Col. Casupanan kaya nalambat ang dalawa sa Laguna.
Kabilang sa arresting officer ay ang mga elemento ng Northern District Highway Patrol Team (NDHPT), sa pamumuno ni P/Major Bienvenido Probadora, Jr., District Chief, sa tulong ng Highway Patrol Group – Special Operation Division (HPG-SOD), (RHPU 4A) at Malabon CPS.
Natimbog ang dalawa noong Pebrero 12, 2023, dakong alas-8 ng gabi sa Starbucks, Tagaytay, Laguna via Calamba Road. Ang layo ng hang-out nila ateng at kuyang, balak pa yata nila dun mag-celebrate ng Valentine’s Day (Feb 14). Kaya lang ‘di sila nakalusot sa mga tauhan ni Col. Casupanan.
Nauna nang may personal na nagreklamo sa NDHPT Office na nasa ilalim ng RHPU-NCR, laban sa mag-live in para sa kasong qualified theft.
Siyempre, protocol ng mga tauhan ng NDHPT na agad alamin ang pangalan ng dalawa sa kanilang E-Warrant at Criminal Information Recording and Analysis System (CIRAS) at ‘yun nadiskubre nilang may active warrant of arrest ang mga suspek.
Agad namang kumilos ang mga tauhan ni Col. Casupanan at ‘yun na nga, huli ang magdyowa na pakape-kape lang sa Starbucks sa Laguna.
Nabawi sa kanila ang Toyota Saquoia na puti at may plate no. BEV658, Engine: 2VZ-0511325, Chassis: 5TDZT34A62S105967. Ang ganda ng service ng dalawa, akala mo sa kanila talaga ang sasakyan.
Ang dalawa ay itinurn-over na sa Intel/Invest Section ng RHPU-NCR para kaukulang disposisyon.
Mabuhay ang RHPU-NCR at kanilang partners, natiklo ang dalawang suspek!
I salute you, mga sir! Galing, buti na lang nahuli niyo sila, kung hindi marami pa silang mabibiktima.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.
