MAGANDA BA ANG DIRECT SELLING?

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO

NAGING malaking tulong ang direct selling industries sa panahon ng pandemic, ayon sa ilang mga seminar, sinasabi nilang mahigit sa 3 milyong katao ang may involvement dito.

Pero sa nakaraang pandemic, higit sa doble ang kinita sa direct selling mapa-online man o mapa-offline, talagang ­nakatulong ito sa nakararaming Pilipino lalo na ang mga ilaw ng tahanan.

Nakalibre na sila ng ­pambayad ng kanilang Wi-Fi para sa kanilang mga anak na naka-online classes, at naging kabuhayan pa nila ito.

Samahan n’yo ako na talakayin kung bakit napakaraming mga taong nangarap magka-negosyo, nagsikap magkaroon ng puhunan at magsimula.

Ngunit bakit parang unti-unti nang nawawala ang kanilang determinasyon, lalo nang makita nila na ‘di naman pala ganoon kadali ang pagnenegosyo.

Nagsimula ang lahat sa mga kwento sa mga bagay na nakikita at lalong dahil sa pangarap na makaahon sa kahirapan, gagawin ang lahat para sa pamilya.

Unang paraan ay maghanap ng puhunan, inutang pa ang karamihan, sabi ng iba, samahan mo ng sipag at tiyaga, aangat ka. Maayos naman ang takbo sa simula at kumikita, kumuha ng makakasama, may nagde-deliver na, may tagabalot na at may mga nagbebenta na para sa ‘yo.

Samakatuwid, may mga empleyado ka na, magandang simula pero nang dumami ang customer, marami na sa kanila ang naghanap ng resibo, andyan na rin ang business permit na ­humahabol sa ‘yo…

Sa katotohanan, karamihan sa kanila ay nawala sa sirkulasyon, ‘di kasi nila naisama ang legalities katulad ng pagbabayad ng tax, ang accounting o bookkeeping na napakahalaga, higit sa lahat ng naging negosyo, ‘di pala nila naisama sa kanilang computation lalo na ang para sa PhilHealth ng kanilang mga ­empleyado, Pag-IBIG at SSS…

Dumating ang December, ‘di naisama ang 13th month pay ng mga empleyado, bonus, package at year-end party.

Napakahalaga po ng feasibility studies (FS) sa pagnenegosyo, hindi po natin mako-compute ang return of investment (ROI) kapag ‘di po natin nagawang pag-aralan ang lahat ng ating pangangailangan sa isang legal na pagnenegosyo, inflation rate ng pandaigdigang problema, kasama rin po ‘yan sa mga dapat na isaalang-alang…

Kaya ang direct selling, gaano ba ito kaganda? Kung ako po ang tatanungin ninyo, ang sagot ko, ito ang bumuhay sa karamihan nang magkaroon ng pandemic at hanggang ngayon, ito na ang nakasanayan ng ­karamihan.

Sa susunod naman ay ating tatalakayin kung gaano ba kalakas ang online marketing ngayon, tila ba kasama na ito sa pagku­kunan ng gobyerno ng buwis.

Marami na kaya ang kumita, umasenso at yumaman dito?… Gaano na ba kalaki ang online marketing, isa na ba itong propesyon na hindi pwedeng balewalain? Isa na ba itong hanapbuhay na hindi na pwedeng maliitin tulad ng nakasanayan ng iba?

Opo isa na po itong industriya sa ngayon, pag-usapan po natin sa susunod na labas ng ­KAALAMAN.

96

Related posts

Leave a Comment