MAGPINSANG BBM, SPEAKER ROMUALDEZ KULELAT SA SURVEY

PUNA ni JOEL O. AMONGO

KULELAT sa pinakahuling survey ng Pulso ng Pilipino ng Issues and Advocacy Center (The CENTER) noong Hunyo 10 hanggang Hunyo 17, 2024, ang magpinsan na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at House Speaker Martin Romualdez.

Si Speaker Romualdez ay nakapagtala lamang ng 42% sa NET PHL, FULLY SATISFIED na 18%, SLIGHTLY SATISFIED na 45%, NOT SATISFIED na 21% at DON’T KNOW na 16%.

Pumangalawa naman sa kanya si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na may 46% para sa NET PHL, FULLY SATISFIED na 20%, SLIGHTLY SATISFIED na 45%, NOT SATISFIED na 19 at DON’T KNOW na 16%.

Humataw naman si Vice President Inday Sara Duterte sa NET PHL na may 52%; FULLY SATISFIED na 19%, SLIGHTLY SATISFIED na 51%, NOT SATISFIED na 18% at DON’T KNOW na 14%.

Nakakuha rin ng mataas na survey si dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa NET PHL na may 53%, FULLY SATISFIED na 26%, SLIGHTLY SATISFIED na 41%, NOT SATISFIED na 14% at DON’T KNOW na 19%.

Nakapagtala rin si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa NET PHL na may 48%, FULLY SATISFIED na 25%, SLIGHTLY SATISFIED na 39%, NOT SATISFIED na 16% at DON’T KNOW na 20%.

Pinangunahan naman ni Congressman Erwin Tulfo ang 2025 MID-TERM POLLS AND SENATORIAL ELECTIONS survey sa PHL na may 64%, NCR na may 69%, LUZ na may 53%, VIS na may 69% at MIND na may 64%; nasa 2-3 pwesto naman si Tito Sotto sa PHL na may 52%, NCR na may 54%, LUZ na may 49%, VIS na may 53% at MIND na may 52%; nasa 2-3 pwesto rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa PHL na may 50%, NCR na 37%, LUZ na 45%, VIS na 57% at MIND na 61%; nasa 4-6 si Bong Go sa PHL na may 49%, NCR na 30%, LUZ na 43%, VIS na 64% at MIND na 59%; nasa 4-6 si Manny Pacquiao sa PHL na may 49%, NCR na 36%, LUZ na 45%, Vis na 53%, at MIND na 61%; nasa 4-6 si Isko Moreno sa PHL na may 48%, NCR na 49%, LUZ na 48%, VIS na 56% at MIND na may 40%.

Pang pito (7) naman si Sen.Imee Marcos sa PHL na may 42%, NCR na 41%, LUZ na 43%, VIS na 46% at MIND na 40%.

Sina Sen. Francis Tolentino sa PHL na may 41%, NCR na may 44%, LUZ na may 39%, VIS na 37% at MIND na 43%; at Sen. Pia Cayetano sa PHL na may 41%, NCR na 43%, LUZ na 35%, VIS na 49% at MIND na may 40% ay pawang nasa 8-9 na puwesto; sina Doc Willie Ong sa PHL na may 40%, NCR na 62%, LUZ na 33%, VIS na 33% at MIND na 32% at Bato dela Rosa sa PHL na may 40%, NCR na may 29%, LUZ na 41%, VIS na 39% at MIND na 52% ay pawang nasa 10-11 na pwesto.

Pang 12 pwesto naman si Cong. Camille Villar sa PHL na may 38%, NCR na 35%, LUZ na 43%, VIS na 37% at MIND na 37%.

Kamakailan pumutok sa mga balita na posibleng makatunggali ni Vice Pres. Inday Sara sa 2028 Presidential Election si Speaker Romualdez.

Kung gaganapin ang eleksyon sa Hunyo 10 hanggang Hunyo 17, 2024, mananalong presidente si Inday Sara laban sa kay Romualdez.

Sigurado ring panalo ang labindalawang (12) senatoriables na kasama sa sinarbey ng Issues and Advocacy Center (The CENTER).

oOo

Para sa sumbong, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

29

Related posts

Leave a Comment