MAHALAGA ANG OFW, PERO AYAW BIGYAN NG IMPORTANSYA

MALINAW na mistulang kalakal na lamang talaga ang pagtingin sa mga OFW. Naihahalintulad na ito sa mga dating ini-export na produkto kung ang pagbabasehan ay ang mensahe na inilathala sa pahayagan mula kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno

Ayon kay Diokno, kailangan na samantalahin ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga mas nakakabatang mga propesyonal sa ibang bansa sa oras na matapos na ang krisis dulot ng COVID-19 virus.

Sinabi pa nito na “Siguro looking forward, dapat siguro mag-export pa tayo ng ­madaming nurses, mga doktor, maraming computer specialists in the future”.

Sa katotohanan ay hindi naman talaga mapipigil pa ang mga Pilipino na sumubok na magtrabaho sa ibang bansa dahil sa mga buhay na patunay na maraming mga OFW ang naging matagumpay.

Marami sa kanila ang nakapagpatayo ng magagarang tahanan, malaking negosyo, nagkaroon ng bagong sa­sakyan at mga nakapagtapos sa kolehiyo ang mga anak.

Hindi matatawaran ang benepisyo ng kinikita ng mga OFW lalo na kung ito ay nasa hanay ng mga Professionals o skilled workers. Higit sa lahat, malaki ang naiaambag ng mga remittances ng mga OFW na umaabot sa halos 30-B dolyares kada taon.

Ngunit taliwas naman ang ipinapadamang pagpapahalaga ng ilang ahensya ng ­gobyerno para sa mga OFW. Kamakailan nga ay nagbigay pa ng pahayag ang Department of Budget Management

(DBM) na hindi kayang tustusan ang pagkakaroon ng Department of OFW.

Kung kaya hindi maiaalis ang pagtatampo ng mga OFW na tila hindi sila tunay na ­binibigyan ng importansya ng ating gobyerno.

Mabuti na nga lang at sa panahon ni President Rodrigo Roa Duterte ay kahit papaano nabigyan ng pagkakataon na maipasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang Department of OFW.

Ngunit sa kabilang banda, ay tila inuupuan na lamang ito sa Senado upang tuluyan ng mabalewala .

Malapit na naman ang pagbibigay ng State of the Nation Address si Presidente Duterte sa kongreso, ngunit hanggang ngayon ay walang makitang linaw ang mga OFW kung ito ay mapapasama sa ibabalita.

Sa pagdating pa ng mga susunod na mga buwan, ay magsisimula ng maningil ang mga OFW sa mga Senador na kanilang sinuportahan. Kung patuloy ang mga ito na hindi kikilos para

maaprubahan ang Department of OFW, ay hindi malayong mas ma­giging matapang at maigting ang mga mensahe na ipapakalat ng mga OFW sa social Media.

Sa tinatayang 10 ­milyong OFW, kung magiging matagumpay ang mga lider nito sa paghihikayat ng pagkakaisa, tiyak mararamdaman lalo ng ating mga senador na dapat bigyan na nila ng

importansya ang kahilingan ng mga OFW.

116

Related posts

Leave a Comment