MAHALIN ANG KALIKASAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO

“HINDI masama ang pag-unlad, basta hindi nakasisira sa kalikasan”, ang kantang ito na inawit ng isang grupong maka-kalikasan, ang dapat iparinig sa mga kumpanya na patuloy na sumisira sa ating kapaligiran.

Tulad na lamang ang tinutukoy ng Center for Energy, Ecology, and Development’s (CEED), ang coal-impacted sites sa Atimonan at Pagbilao sa Quezon at Maasim, Sarangani na lumampas sa local at international air quality.

Paglalantad ito sa komunidad na magpapataas ng mga panganib sa kapaligiran at banta sa kalusugan mula sa maruming fossil fuels.

Ayon sa mga natuklasan ng lahat ng testing sites ng Department of Energy (DOE), at Department of Environment and Natural Resources’ (DENR) national air quality standards, ay mas masahol pa ito kumpara sa international standards na itinakda ng US Environmental Protection Agency (EPA) and World Health Organization.

Sa Atimonan, Quezon ay matatagpuan ang Atimonan One Energy na iminungkahi ang coal-fired power plant na ipalit patungo sa isang gas-fired power plant habang ang nasa Pagbilao, Quezon naman ay planong gawing gas-fired power plant, at ang iminungkahing LNG terminal, pawang pagmamay-ari ng Energy World Corporation.

Ang matatagpuan sa Maasim, Sarangani na kasalukuyang coal-fired power plant ay pagmamay-ari ng Sarangani Energy Corporation.

Ayon sa CEED, lumalabas na ang mga kumpanya ay lumampas sa local at international air quality standards, paglalantad sa komunidad sa mataas na panganib sa kapaligiran at banta sa kalusugan mula maruming fossil fuels.

Sinabi pa ng CEED, ang ulat ay tumitingin sa mga implikasyon ng mabigat sa fossil fuels, partikular na nakatuon sa mga epekto ng kalidad ng hangin at kalusugan ng nakaprontang komunidad na pangunahing mahina sa krisis sa klima.

“This report on air quality underscores a crucial reality – our continued reliance on fossil fuels casts a long shadow in our coal-affected communities. As coal plants are being converted to gas plants to prolong the life of fossil fuels, one thing remains the same: compromised air quality puts an enormous strain on health, livelihoods, and the environment,” ani Avril de Torres, Deputy Executive Director ng CEED.

“We cannot ignore the cries of communities impacted by fossil fuels, especially in Quezon where six gas plants are proposed to be built. It’s time to heed the urgent call for an end to fossil fuel dependency, not just for cleaner air but as a moral imperative to protect our common home. We are taking a stand against coal and we recognize that fighting against gas is equally pivotal. It’s a unified effort to protect communities, preserve biodiversity, and ensure a sustainable future,” ayon kay Rev. Fr. Warren Puno, Convenor ng Quezon for Environment (QUEEN) at Parish Priest of Our Lady of Peace & Good Voyage Parish sa Ponon, Atimonan, Quezon.

Kung mismo ang dalawang ahensiya ng gobyerno na DOE at DENR ang nagsasabing masahol ang duming dulot ng mga kumpanyang ito, abay, dapat nang ipatigil nila ang mga ito para sa kapakanan ng taumbayan .

Hindi pa huli ang lahat para gumawa sila ng aksyon laban sa mga kumpanyang ito.

Nakararanas na nga tayo ng abnormal na klima ngayon (El Nino at La Nina) tapos hindi pa natin pahahalagahan ang ating kalikasan.

Saan pupulutin ang susunod nating henerasyon? May mas gaganda pa ba sa planetang mundo para tirahan ng tao?

Sa ibang planeta, kailangan mong magbaon ng oxygen tank para makahinga ang tao, samantala sa planet earth ay libre ang paghinga.

oOo

Para sumbong, mag-email joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

203

Related posts

Leave a Comment