MAKABAGONG PARAAN, TULONG Sa MGA PINAGKAITANG BILANGGO

FORWARD NOW

SA gitna nang pagsuspinde ng mga pribilehiyo sa pagbisita sa bilanggo dahil sa coronavirus pandemic, ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay nagpaabot ng pasasalamat sa inyong lingkod bunsod nang pagsisikap nating matiyak na ang mga bilanggo ay may ‘access’ pa rin sa konsultasyon sa abogado at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng digital na teknolohiya.

Kamakailan lang, tayo ay nag-donate ng 40 computer para sa malalayo at sobrang masisikip na mga kulungan sa buong bansa. Labis itong ikinagalak ng BJMP dahil makatitiyak ang mga bilanggo na maaari pa ring makamit ang kanilang mga karapatan sa kabila nang ipinatutupad na quarantine.

Ang mga computer ay gagamitin upang mapadali ang Electronic Dalaw o “e-Dalaw” program, kung saan ang persons deprived of liberty (PDLs) ay maaaring makipag-usap online sa kanilang mga kamag-anak at mga abogado. Pinapayagan ng programa ang PDLs na gumamit ng ‘Skype’ o ‘Facebook’ ng 10 hanggang 15 minuto bawat araw upang makinabang sa “electronic visits”.

Umaasa tayo na sa pamamagitan ng e-Dalaw, patuloy na uusad ang hustisya sa kabila ng quarantine. Ang programang ito ay isa sa mga paraan upang maisulong ang mga tuntunin ng pagsiguro na ang mga PDLs ay may access sa hustisya habang nakikipagbuno tayo sa maraming walang-katiyakan na hatid ng pandemya.

Matatandaan na itinatag natin ang “Lakbay Hustisya Foundation” , isang ‘legal aid trust fund’ na ating inorganisa upang suportahan ang ‘legal aid activities’ sa buong Pilipinas. Katuwang natin sa foundation na ito ang BJMP para sa pagbibigay ng ‘free online legal services’ sa PDLs.

Ang Kataas-taasang Hukuman ay nagpatupad ng mga hakbang upang matugunan ang kasikipan ng kulungan tulad nang pagpapahintulot sa pagbawas ng piyansa at pagtukoy sa mga mahihirap na bilanggo, habang ang Department of Justice naman ay nagpapairal ng mga bagong patakaran para sa pagkakaloob ng parole at executive clemency.

Hihilingin din natin ang tulong ng iba pang ‘legal aid groups’ upang ang mas malaking bilang ng mga bilanggong mahihirap na karapat-dapat nang palayain sa ilalim ng mga alituntunin ng SC at DOJ ay maaaring ma-accommodate.

Aktibo kaming nakikipag-u­sap sa iba pang kasamahan natin sa ‘legal profession’. Mahalaga ng magtulungan tayo hindi lang para mabawasan ang dami ng mga PDL sa mga overcrowded jail, kundi para na rin masiguro na mabigyan ng hustisya ang marami sa ating mahihirap na kababayan na nakulong dahil sa maling hatol.

115

Related posts

Leave a Comment