MALALIM ANG KASAYSAYAN NG SABONG

NAPAKALALIM ng kasaysayan ng sabong. Kumbaga, noong antigong panahon pa talaga ito.

Kahit ang ating mga kalolololohan, alam ito.

Sa ibang bansa, ganito rin ang kalakaran. Tinatangkilik ito nang husto. Katunayan, may mga aklat pa nga na naisulat tungkol dito.

Sa Java, Indonesia, isang aklat na pinamagatang Nargara-Kertagama ang nasulat bilang isang papuri sa Haring Shri ­Hayam Ragen Tetep.

Ang kahulugan daw nito ay “ang Bunying Batik-Batik na maginoong Tandang na Magmamanok”.

Sinasabing ang bansag ng haring pinag-alayan ng aklat ay batay sa kaugalian ng panahong iyon na nagtataglay ng ­ipinag-­mamalaking kasir-kasir o bansag buhat sa mabunying hayop.

Nabatid na ang tinutukoy rito ay ang tandang na maaaring gawing manok na sasabungin. Aba’y ganyan din naman sa atin. Sa Indonesia nga, tinatangkilik nila ang ganitong libangan.

Naku, sinasabing ang pustahan ay lubos na tinatanggap sa lipunan ng mga taga-Bali at Java bilang malaking bahagi ng sabong.

Posibleng sa kanila raw natin natutunan ang bagay na ito, siyempre, pati na rin ang mismong katawagang “sabong”. Ang iba naman, kapag natatalo raw, aba’y ginagawang alipin.

Nagkaroon pa nga raw ng alamat tungkol dito. Binanggit daw dito na isa sa mga naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawang lugar na ito sa Indonesia ay dahil mayroon daw isang makapangyarihan at kinikilalang pinuno ng relihiyon noon sa Java na nais protektahan ang sarili laban sa isang itinuturing na bayaning taga-Bali.

Ang kalaban daw na iyon ay kilala sa isang ­pagiging malakas na sabungero sa kanilang lugar. Kumbaga, nagka-personalan daw sila. Naging dahilan na nga raw iyon ng paghihiwalay ng dalawang lugar.

Natuklasan na sa Sumatra naman, ang sasabungin ay ginagamit sa pagbibigay ng hatol sa mga katutubong hukuman.

Siguro, sa susunod na labas, tatalakayin pa natin ang iba pang detalye na may kinalaman pa rin sa kasaysayan o antigong pi­nag­mulan ng sabong.

114

Related posts

Leave a Comment