MALASAKIT NI SEN. BONG GO AT SERBISYO NI COUN. DOK G LUMBAD

TARGET NI KA REX CAYANONG

KAHIT saang dako ng bansa, basta’t nangangailangan ng tulong ay pinupuntahan ni Sen. Bong Go.

Ganyan ang malasakit niya sa ating mga kababayan. Pilit nga raw siyang ginagaya pero hindi siya mapantayan.

Kamakailan ay personal na binisita ni Sen. Kuya Bong Go ang mga residente ng Barangay Don Galo, Parañaque City na naging biktima ng sunog.

Kung hindi ako nagkakamali, aba’y naapektuhan ng sunog ang 72 pamilya na kinabibilangan ng 196 indibidwal.

Sinasabing faulty electrical wiring ang naging sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Mismong ang masipag na senador ang nanguna sa pamamahagi ng tulong sa mga nasunugan. Bukod kay Kuya Bong Go, naroon din ang aktor na si Victor Neri.

Muling nagpaalala si Go sa mga biktima na maging maingat sa maaaring pagmulan ng sunog, partikular ang mga depektibong linya ng kuryente, sirang kasangkapan at mga lutuan, upos ng sigarilyo at iba pa.

Marami pa ring dapat daw ipagpasalamat ang mga nasunugan dahil walang nasaktan kahit isa sa kanila.

Hinikayat din niya ang mga residente na lumapit sa Malasakit Center na nasa Ospital ng Parañaque sakaling mangailangan ng tulong medikal.

Nakakuha rin pala ang mga benepisyaryo ng hiwalay na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang nagsagawa rin ng assessment dito ang National Housing Authority (NHA).

Kaya hindi lang ang mga residente ang nagpasalamat sa masipag na senador kundi maging si Kapitana Marilyn Burgos dahil nakaalala ito sa mga nasunugan.

Samantala, isa rin sa mga nakilala kong ‘super sipag’ na public servant ay si Coun. Dok G Lumbad ng 3rd District, Quezon City.

Kamakailan, naghatid din siya ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Doña Imelda at Tatalon, QC.

Namahagi siya ng tubig at relief goods, kasama ang mainit na sopas at iba pa.

Mabuhay po kayo, Sen. Bong Go at Coun. Dok G, at God bless po!

48

Related posts

Leave a Comment