ANG maling impormasyon ng ating kasaysayan na tumatak at lumason sa isip ng ating mga kabataan ay napapanahon nang itama kung ano ang tunay na nangyari sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Matapos na mapatalsik sa kapangyarihan ang dating Pangulo noong 1986 ay tila naging kontrabida sa pelikula ang pamilya Marcos dahil na rin sa pamumulitika at paghihiganti ng sumunod na administrasyong Aquino.
Ginamit na propaganda upang lalong mapasama ang mga Marcos nang ilathala sa textbooks na ang nagdaang administrasyon ay magnanakaw at mamamatay tao sa ilalim noon ng Martial Law.
Ano nga ba ang mabuting idinulot ng batas militar? Ito’y walang pinagkaiba sa kinakaharap nating pandemya ngayon kung saan ang lockdown at curfew na ipinatutupad ng ating pamahalaan ay upang maprotektahan tayo at ang ating pamilya laban sa COVID-19 na kumitil na ng milyong katao sa buong mundo.
Ang Presidential Proclamation 1081 na idineklara noong September 21, 1972 ni Pangulong Marcos na sumasailalim ang buong bansa sa batas militar ay dahil na rin sa sunod-sunod na mga kaguluhan sa Kamaynilaan isa na rito ang nangyaring pambobomba sa political rally ng Liberal Party noong August 21, 1971 sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila na ikinasawi ng 9 katao at ikinasugat ng 95 biktima.
Ito’y agad na isinisi kay Pangulong Marcos ngunit ipinagtataka noon ng marami ay halos kumpleto sa naturang pagtitipon ang miyembro ng Liberal ngunit bakit tanging si Ninoy Aquino ay wala noong nangyari? Minsan sa pulitika ay kailangang mayroong magbuwis ng buhay sa pamamagitan ng collateral damage.
Kung ang dating Pangulo ay mamamatay-tao dapat sana ay naging madugo ang 1986 EDSA People Power Revolution hindi kagaya ng pagmasaker sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita at pagkasawi ng maraming sundalong nag-aklas noon laban kay Cory Aquino na itinago sa kasaysayan.
Para sa inyong reaksyon at sumbong, maaaring i-text ako sa 09158888410.
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
88