MARIA RESSA AT ABS-CBN

MAGKAHALINTULAD ang sigaw nina Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa at ang ABS-CBN na pagsikil sa malayang pamamahayag umano ang kanilang kinakaharap na problema na gawa ng kasaluku yang Administrasyon.

Mahiya naman kayo, eh paano naman ang karapatan ng mga taong sinira ninyo ang pangalan at sakit na idinulot ninyo sa kanilang pamilya?

Pag kayo ang nakasuhan dahil mayroon kayong nagawang paglabag sa batas, isinisigaw ninyo press freedom. Kakapal ng mukha ninyo. Itong si Ma. Ressa, nagdrama pa sa kanilang press con ference, may paiyak-iyak pa, yun bang luha at sakit na idinulot ninyo sa pamilyang sinira ninyo, nakita ninyo?

Gagawa kayo ng katarantanduhan sa kapwa ninyo tapos kapag kinasuhan kayo, gobyerno ang sasabihin ninyong nasa likod ng kasong kinasasangkutan ninyo!?

Paano yan Ma. Ressa, ‘pag napatunayan ka ring guilty sa kasong tax evasion? Gobyerno na naman ba ang nasa likod noon??

oOo

Dahil sa hirap na nararanasan ngayon ng mga pangkaraniwang tao na naninirahan sa National Capital Region (NCR) dahil sa nakamamatay na coronavirus disease 2019, hindi anya ma layong maglayasan na o magsipag-uwian sa kani-kanilang probinsya ang mga narito sa NCR.

Ang NCR ay siyang i tinuturing sa ngayon bilang epicenter ng buong bansa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kapag nagka gayon ay magiging mapanglaw na ang NCR para tirhan ng mga mamamayan, maging ang ilang urbanized city na masyado ring mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

oOo

Hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling naka tingin sa kawalan ang mga nominado sa bakanteng posisyon bilang susunod na Associate Justice ng Supreme Court na matapos ang mandatory retirement ni Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr. nitong nakalipas na Mayo a-onse, taong kasalukuyan.

Ito’y dahil hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa paghihintay ang mga aspirante ng papel mula sa Malacañang na nagsasaad ng pagkakatalaga ng isa sa kanila bilang susunod na Associate Justice ng korte suprema.

oOo

Isa na namang kaso na nakasampa sa Korte Suprema na may kaugnayan sa pagpapasara sa ABS-CBN ang dinismis nito dahil sa kawalan ng legal standing ng tumatayong petitioner.

Ang petitioner ay si Atty. Paris Real na humihiling sa Korte Suprema na paboran ang muling pagbubukas ng ABS-CBN at ibasura ang cease and desist order na inisyu ng National Telecommunications Commission.

Nauna rito, dinismis din ng Supreme Court dahil sa kawalan ng legal standing, ang inihaing petition ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon na humihiling ng Temporary Retraining Order na hahadlang naman sa naging resolution ng kongreso na nag-aatas sa NTC na mag-isyu ng Provisional Permit sa ABS-CBN upang makapagpatuloy ito sa kanilang pag-ere dahil sa pagkapaso ng kanilang prangkisa.

73

Related posts

Leave a Comment