MAS MALAKING ROLLBACK PA DAPAT SA PETROLYO!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Pagkatapos ng transport strike noong nakaraang Lunes, nagkaroon ng pagbaba ang presyo ng gasolina.

Karamihan sa presyo ng gasolina ay bumaba ng P1.45/L, ang diesel ay bumaba ng P0.60/L, at P1.00/L naman sa kerosene. Ngunit, ayon mismo sa Department of Energy (DOE) Director na si Rino Abad, dapat ay mas malaki pa ang rollback. Aniya, ang gasolina ay dapat na bumaba sa halagang P1.60-1.70, sa diesel ng P0.60-0.70 at P0.90-1.00 ang kerosene. Sinabi rin niya na dapat ipaliwanag ng mga oil company kung bakit hindi pareho ang kompyutasyon nila sa presyuhan ng produktong petrolyo.

Kataka-taka ang ganitong kalakaran sa pagpres¬yo ng produktong petrolyo. Pero kung ipinatupad na ang unbundling circular ng DOE ay ‘di na sana nagiging problema ito at nakikita na talaga ng mga consumer kung niloloko tayo ng oil companies

Kung unbundled nag presyo, o tinilad-tilad ang mga gastusin sa produks¬yon ng petrolyo, ay malinaw sa lahat kung bakit ganoon ang presyo. Ngunit, sa kalakaran sa kasalukuyan ay nililihim ng oil companies kung paano nila kinokompyut ang preso ng kanilang produkto. Tunay na kahina-hinala na overpriced ang presyo ng gas, diesel, at kerosene. Lalo pa itong pinagtibay sa pagsiwalat ng DOE na hindi tugma ang kanilang kompyutasyon sa kom¬pyutasyon ng oil companies. Sa huli’t huli ay lugi ang mga mamamayang sinisingil ng overpriced na langis.

Napakaliliit ng mga rollback, pero malalaki ang pagtaas ng presyo. Noong nakaraang linggo lamang ay tumaas ng P2.35/L ang gasolina, ang diesel naman ay P1.80/L ang diesel, at ang kerosene naman ay P1.75/L. Kung ikukumpara mo ito sa rollback ngayong linggo ay halos walang ibinaba ang presyo. Talagang kailangan na natin itulak ang unbundling ng oil prices para sa transparent na industriya ng petrolyo at proteksyon para sa mga konsumer. (Kakampi Mo ang Bayan / TEDDY CASIÑO)

328

Related posts

Leave a Comment