MAS MARAMING NARI-RECRUIT MAGING KOMUNISTA SA CAMANAVA AREA – GEN. ELEAZAR

EARLY WARNING

Ibinunyag mismo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar na mas paboritong mag-recruit ng communist group na maging miyembro sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area.

“Sa usaping mass base, nariyan talaga sa Camanava area kasi mas maraming urban poor doon kaya doon sila (Communist Party of the Philippines at New People’s Army) mas aktibo sa pagkalap ng bago nilang mga mi­yembro.”

Ang sistema, pupunta sila sa congested areas sa Camanava at doon kukumbinsihin nila ang mga inosenteng tao na sumama sa kanila, sa kanilang rallies na kanilang isinasagawa bilang suporta sa kanilang armadong kilusan, ani Gen Eleazar, ang interim head ng Regional Peace and Order Council.

Sympre, ‘di papayagan ng awtoridad ang ganitong sistema kaya itinatag ang National Capital Region Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NCRTF-ELCAC) para ma-counter ang mga pinaggagawa ng komunistang grupo lalo ang pagri-recruit at ang kanilang deceitful propaganda sa mga paaralan at mahihirap na komunidad sa Metro Manila.

Sadyang mahalaga ang tuluy-tuloy na komunikasyon at maayos na pagbibigay ng social services lalo sa mga mahihirap upang hindi sila basta-basta makumbinsi na sumama sa communist groups, paliwanag pa ni Gen. Eleazar. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

143

Related posts

Leave a Comment