MAS MATAMIS ANG TAGUMPAY KUNG WALANG BAHID PANINIRA

WALANG mas tatamis pa sa tagumpay na walang bahid ng karahasang nakasanayan ng ilang mga batikang politiko sa tuwing sasapit ang halalan.

Ito mismo ang nais ipamulat ng isang bagitong ­politiko sa ikalimang distrito ng Lungsod ng Quezon kung saan natunghayan ang mga residente sa kakaibang estilo ng pangangampanya. Dangan naman kasi, wala sa plano ng negosyanteng si Ate Rose Lin ang sumabak sa masalimuot na mundo ng pulitika.

Gayunpaman, ang masu-gid na panghihimok ng mga taga ika-limang distrito ang nagtulak sa kanya para maghain ng kandidatura bilang kanilang kinatawan sa Kamara.

Ang totoo, matagal nang takbuhan ng mamamayan sa naturang distrito si Ate Rose. Katunayan, sa panahon ng pandemya, mas nadama ng mga nasa ikalimang distrito ng Quezon City ang kanyang malasakit kumpara sa mga prenteng nasa pwesto.

Sa kabila ng walang puknat na patutsada at paratang, mas pinili ni Ate Rose na ituon ang kanyang isip at oras sa isang adbokasiyang hindi kailanman

ginawa ng iba – ang ­kam­panyang walang pahid paninira, bagay na kailangang pairalin sa lahat ng sulok ng bansa.

Narito ang ilang bahagi ng isang pahayag na inilabas ng kanyang tanggapan — “Iisa lamang po ang hangarin ko at ito ay ang magkaroon tayo ng isang malinis at mapayapang halalan hindi lamang po sa ­ating pinakamamahal na ­Distrito 5 kundi sa buong lungsod ng Quezon at sa buong Pilipinas.”

“Kapag naranasan po natin at nakamit ang isang genuine honest and peaceful election, ito po ay tagumpay hindi lang para sa aming mga kandidato, kundi tagumpay din ng lahat ng mga botante, ng mamamayan, ng bansa at ng demokrasya.”

Malinaw sa kanyang ­maikling mensahe ang tunay na diwa ng demokrasya – ang payapa at positibong ­kampanyang kalakip ng halalang dumidinig sa tinig ng ­mayoryang mula sa sektor ng mga maralita.

Ang totoo, isa sa pinaka-mataas ang antas na paninira sa ikalimang distrito ng QC. Gamit ang makinarya ng gobyerno, pilit na hinihila pababa ng isang katunggali niya ang mga programang ‘di nila nagawa sa kanilang termino.

Kung sino sila – batid naman ‘yan ng mga rehistradong botante sa nasabing distrito.

Ilang araw bago ang takdang araw ng halalan, may pahabol pang mensahe si Ate Rose – isang taos pusong pasasalamat sa lahat ng nagbigay suporta.

‘Yan ang dapat.

279

Related posts

Leave a Comment