MASIPAG SINA LAGUNA PD DEPOSITAR AT GOV. RAMIL HERNANDEZ

TARGET NI KA REX CAYANONG

MATAGAL ko nang kilala itong si Laguna Police Provincial Director PCol. Harold Depositar.

Kahit noong nasa Makati pa itong si Depositar, batid ko na kung gaano kasipag ang mamang ito.

Mula nang maupo bilang hepe ng Laguna PNP, umigting ang police visibility at operations sa lalawigan.

Nasa 13 high-powered firearms at short firearms naman ang nasabat sa implementasyon ng search warrants sa Madriaga farm sa Pangil, Laguna noong Hulyo 29.

Kinilala ni Depositar ang mga suspek na sina alyas Eduardo Prestado, farm security, at residente ng Rampage Madriaga Farm, Brgy. Galalan, Pangil; alyas Jonathan, farm caretaker ng farm, tubong Talaingod, Davao Del Norte, at isang alyas Allan, farm caretaker, at residente ng Sulib, Pangil.

Isinagawa ang operasyon ng Provincial Special Operations Unit (Lead Unit), katuwang ang PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) Camp Crame, SWAT Team, 1st at 2nd Laguna Provincial Mobile Force Company (LPMFC), at Pangil Municipal Police Station (MPS) kasunod ng ipinalabas na search warrant ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Court, Lucena City, Quezon para sa sinasabing paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

“The farm is allegedly owned by the leader of the Madriaga Kidnap-for-ransom group that operates in Metro Manila and CALABARZON Region. This group is well-versed in handling firearms as they have high-powered firearms and have their own firing range therein; thus, upon receipt of the search warrant issued by the court on July 27, this year, we immediately and carefully worked on it to ensure the success of the operation,” wika ni Depositar.

“These operations are one of our bold steps to reduce the possibility that these personalities cause further damage to our constituents or even interfere in the peaceful conduct of the upcoming elections,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, kaliwa’t kanan naman ang mga proyekto ni Gov. Ramil Hernandez ng Laguna.

Ito ang dahilan kaya patuloy itong nakatatanggap ng mga parangal tulad ng Nutrition Honor Award (NHA) Performer para sa taong 2022 ng National Nutrition Council-Calabarzon kamakailan.

Ayon kay Hernandez, “ang Nutrition Honor Award ay isang malaking karangalan para sa mga LGU na patuloy na nagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa loob ng anim na taon.”

“Nakamit natin ang pagkilala na ito dahil sa epektibong hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, sa pamamagitan ng Provincial Nutrition Action Office, na bigyang solusyon ang malnutrisyon sa lalawigan at suportahan ang mga programa ng mga ahensya ng gobyerno tungo sa wastong nutrisyon,” sabi ng energetic na ama ng probinsya.

Binati rin ng gobernador ang lahat at lalo na si Ms. Teresita Ramos ng Provincial Nutrition Action Office (PNAO), na siyang tumanggap ng parangal bilang 2nd Place, 2022 Regional Outstanding Provincial Nutrition Action Officer.

“Congratulations din sa lahat ng iba pang mga Lagunense na pinarangalan ng National Nutrition Council-Calabarzon. Maraming salamat sa inyong mahusay na serbisyo sa kani-kanyang barangay, bayan, lungsod, at ating lalawigan!” dagdag pa ni Gov. Hernandez.

Kaya naman, bilang suporta sa ating masipag na gobernador at sa buong pamahalaang panlalawigan ay ikalat pa natin ang #CALABARZONRNAC2023, #NutrisyongSapatParaSaLahat, at #TuloyAngSerbisyongTama.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

83

Related posts

Leave a Comment