MASS WEDDING HANDOG NI MAYOR MAX ROXAS

LAGING busy sa trabaho ang mag-amang Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas ng Paniqui, Tarlac.

Marami nga ang nagtatanong kung natutulog pa ba sila. Well, ipinanganak kasi silang public servants kaya ganyan sila.

Pagtulong sa mga nangangailangan at kababayan nila ang kanilang prayoridad.

Sunod-sunod ang mga programa at proyekto nila ngayong taon para sa kanilang constituents. Siyempre, kasama na riyan ang Libreng Mass Wedding.

“Nalalapit na naman ang araw ng mga puso, kung kaya ang Pamahalaang Bayan ng Paniqui ay muling magsasagawa ng Libreng Mass Wedding na gaganapin sa March 24, 2023 sa Eduardo Cojuangco Jr. Gymnasium,” wika ni Mayor Max.

“Ang programang ito ay sponsored ng ating Butihing Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas sa pakikipag-ugnayan ng ating Local Civil Registrar para sa ating mga kababayang nagmamahalan at nais mag-isang dibdib.”

Dahil prayoridad din ng mag-ama ang kalusugan, aba’y sunod-sunod ang mga programa nila na may kinalaman dito.

“…Dumating po ang mga ilang kagamitan o aparato na kinakailangan para sa ating Blood Bank Paniqui,” sabi ng butihing bise-alkalde.

“Sa tulong po ng buwis na binabayad niyo sa ating bayan, sigurado sa magagandang proyekto ito na pupunta tulad nang Blood Bank Paniqui (Soon to Operate).”

“Nakasuporta po lagi kami ni Mayor Max Roxas sa magagandang proyekto dito po sa ating bayan ng Paniqui. At sinisigurado po namin na ang bawat proyekto at programa ay pakikinabangan ng ating mga minamahal na kababayang Paniqueño. #MaglilingkodNgTapatParaSaBayan,” pahayag ni Vice Mayor Bien.

Samantala, matapos ang nagdaang holidays, muli na namang magbibigay ng libreng serbisyong medikal ang Mobile Clinic ng LGU.

Ito’y sinasabing proyekto nina Mayor Max at Vice Mayor Bien. Nakatakda itong umarangkada ngayong araw, Miyerkoles, Jan. 18, 2023, sa Brgy. Aduas.

Kaya naman, sabi ni VM Bien: “Sa mga residente ng Brgy. Aduas na nais magpakonsulta, magtungo lamang po sa inyong Barangay Hall at makipag-ugnayan sa inyong mga Barangay Officials at BHW.”

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

24

Related posts

Leave a Comment