At Your Service Ni Ka Francis
KILALA ang mga Pilipino na isang lahi ng mga tao sa buong mundo na matiisin.
Dahil sa kanilang pagiging matiisin, kahit anong bigat ng problemang kanilang nararanasan ay kaya nilang dalhin.
Hindi sila basta-bastang bumibigay sa mga hamon ng buhay.
Sa pagiging matiisin ng mga Pinoy ay nakagagawa sila ng paraan para mabuhay nila ang kanyang pamilya.
Ang pagiging matiisin din ng mga Pinoy ang nagiging puhunan nila sa kanilang tagumpay.
Kaya ‘pag nabibigyan tayo ng pagkakataon na magnegosyo ay umuunlad tayo dahil sa taglay nating pagiging matiisin.
Ang nagiging problema lang ng mga Pilipino kaya marami ang naghihirap ay dahil sa kawalan ng oportunidad.
Kaya walang oportunidad ang mga Pilipino dahil kulang sa suporta mula sa pamahalaan.
Madalas na umuunlad ang mga Pinoy sa sandaling makapag-abroad siya.
Sa abroad kasi kahit hindi tapos sa pag-aaral ang Pinoy basta kaya niya ang trabaho ay tinatanggap siya ng employer.
Mahalaga sa abroad ang pagiging praktikal. Basta alam mo ang trabaho ay tatanggapin ka ng employer sa abroad.
Isa sa pinakamahalagang puhunan ng mga Pilipino ay ang pagiging matiisin, kasunod ng pangangailangan sa pera.
Ika nga ng iba, kahit saan mo itapon ang mga Pilipino ay mabubuhay sila.
Kahit kakarampot lang ang kinikita ng mga Pilipino ay napagkakasya nila.
Lalo na kung mabibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino ay siguradong uunlad sila.
Marahil kaya matiisin ang mga Pilipino ay dahil sanay tayo sa hirap, kaya kung tayo ay magkakaroon ng pagkakataon ay siguradong aangat tayo sa buhay.
43