‘MAY BALIK SA PLASTIK’

EARLY WARNING

May magandang patutunguhan itong naging ini­syatibo ng pamahalaang lokal ng Valenzuela City sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian na nakipag-partner sa Nestlé Philippines Inc. at CEO nito na si Mr. Kais Marzouki nang kanilang i-launch kama­kailan ang ‘May Balik sa Plastik!’ project.

“One of the big sources of waste are the laminates and tetra packs. These are the things that we want to recover back to the system for reuse and repurpose so we can actually lessen the trash volume of the city,” ani Mayor Gatchalian.

Ani Marzouki: “None of our packaging will ever go to the landfill. Everything will be reused, will be recycled and will be disposed of without impacting the environment.”

Sa street sweepers, ang basurang plastik na kanilang mahahakot ay may kapalit na grocery items tulad ng kape at gatas at sa mga mag-aaral naman ay makatatanggap sila ng coupon kapalit ng plastic sachets o used beverage cartons. Magkakaroon ng weekly raffle, ang mananalo’y tatanggap ng P100 Sodexo gift certificate.

‘Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan’

Pinangunahan nina Caloocan Mayor Oca Malapitan at Chief Justice Lucas Bersamin ang pagdiriwang ng 121st Independence Day sa Bonifacio Monument Circle kasama sina Rep. Along Malapitan (District 1), Rep. Egay Erice (District 2), Vice Mayor Maca Asistio III at Councilor Obet Samson.

Ani Mayor Oca: “Here in Caloocan, we’re doing our best to give better programs and projects for the residents’ welfare. Yet, we still need their cooperation because even ordinary citizens have big role for our development.”

Para kay CJ Bersamin, sobrang mahalaga ang kabayanihan at pagkakaisa upang tuluyang umunlad ang bansa.

“Nawa’y huwag nating kalimutan ang kahalagahan ng araw na ito bagkus ay magsilbi itong paalala sa atin. Dalangin ko ang pagkakaisa ng lahat ng Filipino sa paglaban sa mga makabagong suliranin ng ating bayan tulad ng kahirapan, korapsyon, at problema sa droga,” ayon naman kay Cong. Along.

Tiangco brothers, hinimok ang kooperasyon ng Navoteño

Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Rep. Toby Tiangco ang selebrasyon kasama ang key city officials kung saan kanilang pinahalagahan ang mamamayan sa pag-unlad ng lungsod.

“Patuloy nating ipagdiwang ang ating kalayaan bilang mga Filipino. Samantalahin natin ang bawat oportunidad na nagbubukas para sa ating lahat upang paunlarin ang ating mga sarili, ang ating mga pamilya at ang ating ba­yan. The best ang maging Filipino!” ayon sa Tiangco brothers. (Early Warning /ARLIE O. CALALO)

153

Related posts

Leave a Comment