MAY PANALO SA HYBRID WORK ARRANGEMENTS

ANO ang epekto sa mga kumpanya at ano ang mga ­benepisyong idudulot sa mga manggagawa ng ­pagpapalawig ng work-from-home scheme ng Department of Labor and Employment?

Pinalawig ang WFH o hybrid work arrangements para mahikayat ang stakeholders na ipatupad ang telecommuting ­programs.

Ang Department Order 237 na nilagdaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ay naglalaman ng nirebisang ipinatutupad na panuntunan ng Republic Act 11165 o Telecommuting Law.

Pabor din ito sa business outsourcing (BPO) na mga ­kumpanya dahil tuloy ang tax perks at tuloy ang WFH option habang inililipat ang registration mula sa Philippine Economic Zone Authority sa Board of Investments.

Ang pagbuo ng telecommuting program ng mga employer at manggagawa ay makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya kahit may banta pa ang pandemya.

Makatutulong ang ekstensyon para masugpo ang ­COVID-19 at iba pang sakit. Kung mananatili sa bahay ang mga ­manggagawa ay maiiwasan ang hawaan ng sakit dulot ng pakikisalamuha sa pook-paggawa o lugar ng trabaho.

Habang minamatyagan ang magiging epekto ng ­boluntaryong pagsusuot ng face mask sa labas na hindi matao, hindi masikip at maayos ang daloy ng hangin, ay makabubuting sa bahay muna gawin ng mga manggagawa ang trabaho.

169

Related posts

Leave a Comment