MAYAMAN ANG RECTO BANK SA LANGIS AT NATURAL GAS

SIDEBAR

Sa Agosto 28, ay nakatakdang pumunta muli ng China si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang ikalimang pagbisita niya rito at ikatlong pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jingping.

Inaasahang isa sa mga pangunahing agenda ng pulong ng dalawang lider ang tungkol sa joint exploration ng Reed Bank (Recto Bank) kung saan nagkaroon ng insidente noong Hunyo kung saan nabangga ng isang Chinese fishing boat ang bangkang de-katig ng mga Filipinong mangingisda.

Base na rin sa mga naging pag-aaral, umaabot sa 5.4 bilyong bariles ng langis ang makukuha sa Reed Bank at nagkakahalaga ito ng 70 bilyong dolyar sa kasalukuyang presyuhan sa pandaigdigang merkado.

Bukod sa langis, mayaman din sa gas reserves ang Reed Bank at tinatayang 55.1 trillion cubic feet ang depositong natural gas na nagkakahalaga ng hindi bababa sa US$170 bilyon.

Kung matutuloy ang joint venture agreement ng Pilipinas at China sa Reed Bank, makatutulong ito nang malaki sa pagkakaroon ng bilyong halaga ng dolyar para sa pagpapatayo ng mga imprastraktura sa bansa na magpapaangat sa kabuhayan ng maraming Filipino.

Ang malaking tanong na lang ay kung papaano ang magiging hatian ng Pilipinas at China sakaling matuloy ang joint exploration ng Reed Bank ng dalawang bansa.

Mismong si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang nagsabi na hindi ipipilit ng China ang mas malaking share sa partihan na isang indikasyon ng pagkilala sa Pilipinas bilang bansang may mas karapatan sa Reed Bank.

Hindi man direktang sinabi ni Zhao, pabor sila sa hatiang 60/40 kung saan ang mas malaking 60 porsyento ng kita ay mapupunta sa Pilipinas samantalang 40 porsyento lang ang sa China. Ang ibig sabihin nito, aabot sa $ 40 billion ang kikitain ng Pilipinas sa langis at $100 billion mula sa natural gas.

Napakalaking pera ang kikitain ng Pilipinas sa Reed Bank at ang mga langis at gas na makukuha rito ay sobra-sobra para sa pangangailangan ng Pilipinas sa kanyang energy needs. Mangangahulugan itong matatapos na ang problema ng brownouts at hindi nakapagtatakang mapabilang ang Pilipinas sa “top 20 economies” sa buong mundo sa taong 2050.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng gobyerno ng Pilipinas na mauubos na ang deposito ng natural gas sa Malampaya sa Palawan at tinatayang hanggang taong 2022 hanggang 2027 na lang magiging produktibo ang mga gas wells dito.

Magdilang-anghel sana si Ambassador Zhao sa kanyang pahayag noong Agosto 9 na nalathala sa mga pahayagan: “There is one thing I can assure you. China will not insist larger share than that of the Philippines from the perspective of the government.” (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

26

Related posts

Leave a Comment