MAYOR MAX ROXAS AT GOV. SUSAN YAP PAWANG LODI NG MGA TAGA-TARLAC!

TARGET NI KA REX CAYANONG

WALANG tigil ang pamimigay ng masarap na bigas nina Paniqui, Tarlac Mayor Leonardo “Max” Roxas at Vice Mayor Aida “Bien” Roxas para sa ating mga kababayan mula sa Barangay San Carlos.

Laging ang pagtulong sa ating mga kababayan ang prayoridad nina Mayor Max at VM Bien.

Ang mga ka-barangay naman nila sa Barangay Samput ang nabigyan ng libreng bigas nitong Martes, Hulyo 2.

Noon pa man, ang pagbibigay ng tulong at suporta nina Mayor Max at VM Bien Roxas sa ating mga kababayan, na walang pinipili, ay patunay ng kanilang lubos na pagmamahal at malasakit para sa kanilang komunidad.

Ang kanilang patuloy na serbisyo at walang sawang pagtulong ay tunay na nararapat pasalamatan at ipagmalaki.

Samantala, kamakailan lamang ay nakatanggap ang Central Luzon ng kauna-unahang batch ng Bagong Pilipinas Mobile Diagnostic Van, isang makabagong hakbang tungo sa mas maayos at abot-kamay na serbisyong pangkalusugan para sa mga komunidad na malayo sa kabihasnan.

Ang mobile diagnostic vans na ito ay hindi lamang magdadala ng mga kinakailangang kagamitan at serbisyong medikal sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA), kundi magbibigay rin ng pag-asa at katiyakan sa ating mga kababayan na nasa malalayong lugar.

Sa pamamagitan ng mobile vans na ito, mas madali nang maaabot ng ating health workers ang mga barangay at pamayanan na madalang madalaw ng serbisyong medikal.

Ayon kay Tarlac Gov. Susan Yap, hindi na kailangan pang maglakbay ng malayo ng ating mga kababayan para lamang makapagpa-check up, magpa-laboratory test, o magpakonsulta sa doktor. Ang serbisyong ito ay tiyak na magdadala ng malaking ginhawa at benepisyo sa libu-libong Pilipino sa rehiyon.

Ang proyektong ito, na pinangungunahan ni First Lady Liza Araneta Marcos at ng Department of Health, ay patunay ng kanilang malasakit at dedikasyon sa pagpapabuti ng kalusugan ng bawat Pilipino. Ito ay isa sa mga konkretong hakbang tungo sa pagkamit ng isang progresibo at maunlad na lalawigan.

“Maraming salamat po, President Bongbong Marcos, sa inyong walang sawang suporta sa ating mga kababayan. Ang inyong liderato at malasakit ang nagbibigay-inspirasyon sa marami upang magpatuloy sa paglilingkod para sa bayan,” pahayag ni Yap.

Nawa’y magpatuloy pa ang mga ganitong proyekto na tunay na nagbibigay ng pag-asa at kasiguraduhan sa ating mamamayan.

Dapat aniyang patuloy na magtulungan at magkaisa para sa isang mas maunlad at malusog na Central Luzon.

Ang Bagong Pilipinas Mobile Diagnostic Vans ay simbolo ng bagong pag-asa, bagong serbisyo, at bagong pag-unlad para sa ating lahat.

29

Related posts

Leave a Comment