MAYOR MAX ROXAS AT VICE MAYOR BIEN ROXAS, MAGKATUWANG SA SERBISYO PUBLIKO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY ang serbisyo publiko nina Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas ng Paniqui, Tarlac.

Nariyan ang kanilang free medical services at iba pa para sa kanilang mga kababayan doon.

“Para sa kaalaman ng ­lahat, ang Mobile Clinic ay ­muling ­magbibigay ng serbisyong medikal sa mga residente ng Brgy. Poblacion Sur [ngayong Miyerkules] November 16, 2022,” ayon sa social media post ng alkalde.

Bukas ito para sa mga residente sa lugar.

Ang handog dito ay libreng blood chemistry, ultrasound, ECG at X-ray.

“Sa mga nais ­magpakonsulta, maaari kayong magtungo sa inyong barangay hall para magpa-lista, ang mga serbisyo ng mobile clinic ay ang mga sumusunod: Libreng blood chemistry, ultrasound, ECG at ­x-ray. Naroon din po ang ating mga vaccinator para sa mga nagnanais na magpabakuna laban sa Covid-19… 1st dose, 2nd dose at booster shots,” sabi ni Mayor Roxas.

Maganda talaga ang tandem ng mag-amang ito.

Kaya lalo silang napapamahal sa mga tao.

Walang patid ang napakagandang programang ipinagkakaloob nina Mayor Roxas at Vice Mayor Roxas sa ­pakikipagtulungan ng Municipal RHU I, RHU II at Paniqui ­General Hospital para sa bawat mamamayan ng bayan ng Paniqui.

Masaya palang inanunsyo ni Mayor Max na magkakaroon ng laro ang mga dating UAAP champs sa kanilang bayan sa November 28, 2022.

“Magandang balita Paniqueño! Halina’t tunghayan ang exhibition match sa pagitan ng former UAAP Champion, ang De La Salle University Lady Spikers at ng Paniqui All Star Volleyball Team na gaganapin sa darating na November 28, 2022 sa bagong Eduardo Cojuangco Jr. Gymnasium sa ganap na 4:30 ng hapon!” sabi ng alkalde.

Ang kasiyahang ito ay handog ni Ms. Claudia Diaz Cojuangco at Congressman Jaime Diaz Cojuangco, kasama ang butihing Mayor Max at Vice Mayor Bien para sa ating mga kababayan, at sa mga kabataang sports enthusiast at volleyball fans sa nasabing bayan.

Kamakailan naman, pinangunahan ni Mayor Max ang “Children’s Congress” sa kanilang bayan.

Dinaluhan ng alkalde, kasama si VM Bien at mga SB Member, ang ginanap na event sa Waltermart Paniqui. Dito’y idinaos ang declamation at dance contest ng mga mag-aaral sa day care centers sa bayan ng Paniqui.

Ayon kay Mayor Max, nagpaunlak din ang kanilang masipag na Congressman Jaime-Diaz Cojuangco sa imbitasyon ni MSWD Officer Eugenio Galanga.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

28

Related posts

Leave a Comment