MEDICAL AT DISASTER RELIEF EFFORTS NG PITMASTER FOUNDATION, TULOY-TULOY

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

NOONG nakaraang labas ng aking kolum, tinalakay ng inyong lingkod ang tuloy-tuloy na medical at disaster relief efforts ng Providing Indigents with Timely Medical Assistance, Service, and Targeted Emergency Relief (Pitmaster).

Sabi ko nga, lalong ­nangingibabaw ngayon ang Pitmaster bilang isang ­credible national charitable organization.

Siyempre, nariyan at sumusuporta sa kanila ang stakeholders o partners, kabilang ang mga lokal na komunidad.

Ito ang dahilan kaya lalong sumusulong ang foundation.

Nariyan ang iba’t ibang strategic initiatives na ­inilalatag ni Boss Charlie “Atong” Ang, katuwang si Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz.

Ito nga ang dahilan kaya na-nominate ang Pitmaster para maging isa sa mga finalist ng 2022 Stevie Awards For Business.

Ang Stevie nomination ay senyales na marami nang nakararamdam at nakakikita sa ginagawa ng grupo.

“It takes both men and women, working together, to make lasting and meaningful change in the lives of the ­people we serve,” sabi ni Cruz.

Ayon kay Cruz, bagama’t kinikilala ng Stevies ang Pitmaster bilang foundation na pinamumunuan ng babae, nararapat pa rin daw na bigyan ng kredito si Ang.

“For this reason, although Pitmaster Foundation has been recognized by the Stevies for female leadership, it would also be proper to give due credit to Mr. Ang’s leadership in providing women immense opportunities to lead and succeed in the organization. We hope more businesses and charities will follow his example,” pahayag ng executive director.

Sinimulan noong 2002, ang Stevie Awards for Business ay isa sa premier business awards sa buong mundo.

Nagbibigay ito ng public recognition sa achievements at ambag ng business executives, professionals, entrepreneurs, at organisasyon na kanilang pinatatakbo.

Isang specialized jury na kinabibilangan ng 200 professionals worldwide ang pumipili ng awardees.

Kasama naman sa mga hurado, siyempre, ang pinakarespetadong executives, entrepreneurs, innovators, at business educators sa daigdig.

Kung hindi ako nagkakamali, ang tatlong awardees naman mula sa Pilipinas ay sina Michelle Bauyon, individual awardee; Congresswoman Camille Villar, Government Hero of the Year awardee; at Evident Integrated Marketing, PR Campaign of the Year in Public Service awardee.

Ang iba pang mga awardees ay malalaman natin sa gaganaping gala banquet sa November 11, 2022 sa Caesars Palace sa Las Vegas, USA.

Mabuhay po kayo at God bless, mga bossing!

15

Related posts

Leave a Comment