There’s an endless debate about LGUs catching stray dogs and cats that are eventually killed by way of euthanasia. Sabi nila wala raw puso ang mga LGU with matching mura pa. Bakit daw hinuhuli, inilalagay sa pound at pinapatay ang strays?
May dalawang batas na sumasakop sa mga usapin tungkol sa kapakanan at sa pag-aalaga ng mga hayop. Take note that these laws were created to protect not just animal welfare but also public interest.
One is Republic Act 8485 or the Animal Welfare Act and the second is Republic Act 9482 or the Anti-Rabies Law. Ano ba ‘yung RA 8485? Bakit itong mga LGU ay pinapayagan na manghuli at pumatay ng “strays” samantalang may Animal Welfare Act naman? Please take note that under this same law, there are at least seven non-government organizations including the Philippine Animal Welfare Society (PAWS) and Philippine Society for the Prevention of Cruelty to Animals (PSPCA) that are part of the Committee on Animal Welfare attached to the Department of Agriculture. This committee is mandated to “issue the necessary rules and regulations for the strict implementation of the provisions of this Act.”
In short, bawal po ang kahit anong uri ng pananakit at pagmamaltrato sa mga hayop maliban sa mga kondisyon na nakasaad sa RA 8485. Dito naman pumapasok ngayon ang LGUs dahil maliban sa RA 8485, may umiiral naman na RA 9482 na ginawa naman upang hindi kumalat ang rabies na siyang dahilan ng napakaraming kamatayan sa ating bansa.
Para sa kaalaman ng mga taong akala ay okay lang na pagala-gala ang mga aso at pusa na pawang possible carriers ng virus ng rabies kung saan umaabot sa 300 ang namamatay na Pinoy taun-taon dahil sa rabies ayon mismo sa World Health Organization. At alam ninyo bang nasa Top 10 ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng rabies?
Ngayon, nakalagay naman sa Section 7 ng RA 9482 na kasama sa mga responsibilidad ng mga LGU ang mga sumusunod: ang paghuli at pag-impound sa mga aso at pusang pagala-gala. Nakasaad din dito na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapakawala sa ating mga alagang hayop sa labas ng ating bahay o bakuran.
Ngayon, ang sabi ng OA na dog lovers kuno, bakit kailangan silang patayin?
Batay sa RA 9482, lahat ng “unregistered” at pagala-gala na aso ay maaaring patayin o “i-dispose” sa mga pamamaraang makatao at sang-ayon sa nakasaad sa RA 8485. Samakatwid, ang lahat ng ginagawang anti-stray animal operation ng LGUs ay naaayon at ipinag-uutos ng batas. (Bagwis / GIL BUGAOISAN)
633