MGA BIKTIMA NG SUNOG INAYUDAHAN NI CONG. ARJO ATAYDE

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

NAKALULUNGKOT isipin na hindi maganda ang pasok ng bagong taon ng ilan nating mga kababayan.

Ang iba ay namatayan. Ang iba naman ay nawalan ng tahanan dahil sa iba’t ibang sakuna.

May mga natabunan ang bahay habang may mga nasunugan sa ilang lugar sa bansa.

Sa ilang lugar naman sa Lungsod ng Quezon, may mga nasunugan din. Ayaw natin ng mga ganitong pangyayari.

Aba’y mas lalong ayaw ni Cong. Arjo Atayde na mabiktima ng sunog o ano pa mang sakuna ang kanyang constituents.

Ngunit ang masaklap, kamakailan ay nagkaroon ng sunog sa Ilagan St., Brgy. Manresa na kasama sa mga nasasakupan ni Lodi Cong sa Distrito 1.

“Ang inyo pong lingkod ay nalulungkot sa nangyaring insidente ng sunog na tumupok sa ilang kabahayan at kabuhayan sa Ilagan St. ­Barangay Manresa,” wika ni Lodi Cong.

“Bilang aking tugon, namahagi po tayo ng mga grocery packs, unan at water containers para sa mga apektadong residente.”

Nakatuwang ng tanggapan ni Atayde sa pamamahagi ng ayuda, sina Kapitan Sonny Paragua, Kgd. Nico Villena, Kgd. Floresca, SK Chairwoman Shaira Javate at SK Kgd. Bruce Dionisio.

Maging ang mga taga-Mauban St. cor. Matutum St. ay nakaranas din ng kaparehong insidente.

Kaya namahagi rin si Lodi Cong ng mga pagkain, tubig, at face mask sa mga residente.

“Bilang inyong kinatawan ng distrito, ako po ay nakikiisa sa inyong muling pagbangon mula sa insidenteng ito. At makakaasa kayo na hindi lang dito natatapos ang aking pagtulong sa inyong lahat,” sabi ng bata at masipag na kongresista.

Kahit abala siya sa iba’t ibang aktibidad, napupuntahan pa rin niya ang mga mahahalagang events sa kanyang nasasakupan. Halimbawa na lamang d’yan ay ang oath-taking ceremony ng mga bagong ­opisyales ng SAPV TODA kamakailan.

“Tayo po ay bumabati at nagpupugay sa mga bagong halal na opisyales ng SAPV TODA ng Barangay San Antonio sa ilalim ng pamumuno ni Sonny Rey “Bobet” Tuando. Naging saksi sa nasabing oath-taking ceremony sina Brgy. Captain Daniel Berroya at Kgd. Malou Azarcon.”

Nangako si Lodi Cong na paglilingkuran niya ang mga ito nang tapat sa abot ng kanyang makakaya.

“Sa bagong pamunuan, makakaasa po kayo sa inyong lingkod na magiging katuwang ninyo ako at ang ating opisina sa pagbibigay ng serbisyo at pagtugon sa tawag ng tungkulin lalo na sa usapin ng transportasyon,” pahayag pa ni Lodi Cong. Arjo Atayde.

33

Related posts

Leave a Comment