ISINIWALAT ng isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) ang mga dahilan kung bakit minamaltrato at napapatay ang mga Pinay Domestic Helper (DH) ng kanilang mga employer sa Kuwait.
Ang mga ito ay ang selos ng asawang babae ng employer sa Pinay DH; mababa ang pagtingin sa kanila ng kanilang mga employer; pakikipagrelasyon sa among lalaki at ang hindi pagpayag sa kagustuhan ng among lalaki sa sexual na usapin.
Ayon pa sa pagsisiwalat ng dating OFW, marami sa mga Pinay DH ay nakikipag-relasyon sa kanilang mga among lalaki.
Kaya naman ‘pag nahuli sila ng asawang babae ay dito na nagsisimula ang pangmamaltrato sa OFW hanggang sa humantong sa pagpatay.
Kapalit ng pakikipag-relasyon ng Pinay DH sa kanyang among lalaki ay ang financial support sa kanyang pamilya na naiwan sa Pilipinas.
Sa pangyayaring ito ay naitanim na sa isip ng mga lalaking Kuwaitis na lahat ng mga Pinay DH na pupunta sa kanilang bansa ay papayag na makipagrelasyon sa kanila kapalit ng pera.
Naging kalakaran na rin ng Kuwaitis sa kanilang Pinay DH na kanilang karelasyon na bukod sa suweldo na kanilang ibinibigay at mayroon pa silang buwanang allowance na inihuhulog sa bank account ng OFW kapalit ang kaligayahang nalalasap dito.
“Siyempre ‘pag nahuli ang Pinay DH ng kanyang employer na babae na may relasyon siya sa kanyang ng among lalaki, papatayin talaga siya”, pagsisiwalat pa ng dating DH.
“Kaya nga sir, ‘pag baguhan ang Pinay DH sila, ang madalas na nabibiktima dahil hindi nila alam ang kalakaran sa Kuwait”, dagdag niya.
May pagkatataon din daw na mismong ang among lalaki o kaya kamag-anak nito ang pumapatay sa Pinay DH kapag hindi ito pumayag sa kanilang kagustuhang sexual.
Uso rin daw sa Kuwait ang bentahan ng mga DH sa ibang amo at kadalasan sa mga OFW na pumupuntang sa bansang ito ay hindi nakatatanggap ng tamang suweldo na nakalagay sa kani-kanilang mga kontrata bago pa man sila umalis sa Pilipinas.
“Kung ako ang tatanungin sir, tama po ang ginawa ni Pangulong Duterte na ipagbawal na ang Pinay DH sa Kuwait, kawawa sila”, anang dating OFW.
Ayon pa sa kanya, maging siya ay nakaranas ng kalupitan ng kanyang among babae sa pamamagitan ng pananampal.
Sinabi pa ng dating OFW na kahit kailan ay hindi na siya nangarap na muling makabalik sa bansang Kuwait at ang kanyang ipinagpasalamat sa Panginoon na wala siyang naging among lalaki.
Sana po ay maging huli na ang nangyaring pagpatay kay Jeanalyn Villavende ng kanyang mga employer.
Lord pagpalain n’yo po ang OFWs na nasa iba’t ibang bansa sa buong mundo.
oOo
Para sa reaksyon at suhestiyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com//operarioj45@gmail.com. (PUNA / Joel Amongo)
279