MINI CASINO SA CABANATUAN CITY, HAMON KAY GEN. CORONEL

HAGUPIT NI BATUIGAS

Hindi takot ang mga opisyal ng PNP kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung saan hindi nila sinusunod ang direktiba nito na lansagin ang lahat ng uri ng ilegal na pasugalan sa buong bansa.

Hindi ba’t kamakailan ay ipinasara ang gaming o­peration ng Philippine Charity Sweepstakes Office dahil sa talamak na katiwalian?

Mabuti na lamang at may nagpayo sa pangulo na ibalik ang lotto operation dahil marami ang umaasa rito.

Ang matindi sinasamantala naman ng mga peryahan operator ang pagkasuspinde ng small-town lottery dahil patuloy naman silang namamayagpag sa kanilang mga pasugal tulad ng color game na kinahuhumalingan naman ng mga mananaya. Walang kaalam-alam ang mga mananaya ng color game na may daya ang kanilang tinatayaang sugalan kaya malabo silang manalo.

Inirereklamo ng tricycle drivers, jeepney drivers, kargador sa palengke, mga religious organization, mga parent at mga barangay official ang “Mini Casino” na color game na matatagpuan sa Crossing ng Cabanatuan City na hindi hinuhuli ng mga alagad ng batas.

Ayon sa reklamo, matagal na umanong namamayagpag ang ilegal na pasugalan sa nasabing lugar pero hindi inaak­syunan ng hepe ng pulisya sa Cabanatuan City at ma­ging sa tanggapan ni Mayor Jay Vergara ay lumapit na rin sila pero hindi hinuhuli ang nasabing pasugalan.

Ipinarating na rin umano ng nasabing mga tao ang kanilang reklamo sa provincial director ng PNP na si PCol Leon Victor Rosete, pero wala ring aksyon kaya naghihinala tuloy ang mga taong nabanggit na timbrado sa mga alagad ng batas at politiko ang pwesto pijo ng color game na pag-aari nina alyas Gina at Nardo.

Dahil dito, hinahamon ng nasabing mga grupo si PNP Region 3 director PBrigGen Joel “Jigs” Coronel na ak­syunan ang kanilang reklamo at ipatigil ang sugalan na color game sa Crossing ng Cabanatuan City.

Kay General Joel Coronel, PCol Rosete at Mayor Vergara, i-relieve na ninyo ang hepe ng pulis sa Cabanatuan City, sibakin si Col Rosete at sana mga sir, pakiaksyunan ho ang reklamo ng mga tao laban sa ilegal na pasugalan sa Crossing sa Cabanatuan City.

Sinikap ng inyong lingkod na makuha ang panig ng nasabing  mga opisyal ng PNP at maging ni Mayor Vergara subalit hindi sila sumasagot sa aking tawag. Abangan may kasunod pa. (Hagupit ni Batuigas / MARIO B.  BATUIGAS)

160

Related posts

Leave a Comment