Bizzness Corner ni Joy Rosaroso
ORIGINAL na Korean kimchi na patok sa panlasang Pinoy. Sino ba ang hindi nakakaalam ng kimchi food na originally made in Korea? Halos lahat ata ngayon pamilyar sa traditional Korean dish na ito.
Pero kakaiba itong M&J Orig Korean Kimchi dahil ang may-ari nito ay Pinoy at hindi Korean people.
Matagal nanirahan bilang OFWs sa Korea ang mag-asawang nagtayo ng M&J Orig Korean Kimchi. Bago nagpandemya ay bumalik sila dito sa Pinas, pero hindi nakabalik ng Korea dahil sa pandemic.
Dito na nila naisipang magtayo ng negosyo para maka-survive at matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ito nga ang naisip nilang negosyo, dahil pagkain ay siguradong papatok ito kaya nabigyang buhay ang M&J Orig Korean Kimchi.
Ang M&J ay hango sa pangalan ng mag-asawang nagtayo nito. Orig, ibig sabihin original ang lasa at kuhang-kuha ang totoong kimchi ng Korea. Sa tagal nilang nanirahan sa Korea, alam na alam na nila kung paano gawin ang Kimchi.
Itinatag ito noong 2020 at nagsimula sa P5K na kapital lamang. Maganda at simple lang ang packaging at tunay na masarap, pwedeng ulam, kung wala kang ulam ay pwede na, ika nga.
Maraming Pinoy ang mahilig sa kimchi dahil trending din ang mga Korean movie, teleserye, KPop at mga Korean restaurant. Hindi kumpleto ang mga Korean restaurant kung walang kimchi food.
Dahil patok sa Pinoy ang kimchi, nag-online selling na sila at nag-supply na rin sa mga kilalang store. Ang M&J Orig Korean Kimchi ay located sa Hinabuyan, Villaba, Leyte.
Kimchi is a traditional slightly spicy Korean sauerkraut made from fermented vegetables. It’s basic vegetables are usually Napa cabbage, radish and carrot, garlic and ginger and Korean chili gochugaru flavor. Ngayon ay isa nang matagumpay na negosyo ang napakasarap na M&J Orig Korean Kimchi.
228