MODERNONG WIRELESS DETECTORS MULA US NASA PINAS NA

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

BUHAY na buhay na ang business industry dito sa ating bansa dahil mula America, nandito na ang Wireless Detectors na inilunsad kamakailan ng 633 fire and safety Company.

Ito yung wireless smoke detector at mayroong photo electric at optical sensing ability. Hindi na rin kailangan ang palit nang palit ng battery na nagiging dahilan ng failure dahil long lasting na lithium-manganese ang gamit na Omnishield brand, at iba pang produkto tulad ng heat and carbon monoxide detectors.

Malaking bagay ito para sa reliability, convenience and guarantee protection. Dumaan sa masusing pagsusuri at sertipikado ang mga produkto. Alam naman natin ang Amerika pagdating sa quality at safety ng produkto.

Ang wireless detectors ay mga wireless gadget na napakaimportante upang maiwasan ang sakuna katulad ng sunog, at pwede ring gamitin pang-alarma just in case nag-iisa ka at may umaali-aligid sa bahay mo. Mayroon ding water detector upang maiwasang mabasa ang mga gamit na importante.

Dito sa atin, ang manager na si Mr. Dennis T. Napule na namamahala ng 633 fire and safety company, ay masusing nagbigay ng aspeto ng installation. Mayroon ding monitoring teams kapag ito ay na-install na sa customers. Katulad sa mga kumpanya at big houses at may malalaking investment at ari-arian.

Inirerekomenda natin ang ganitong klaseng devices upang lubusang masugpo at mapigilan ang pagkasawi ng ating mga kababayan sa biglaang pag-atake ng apoy at upang maisalba rin ang mga ari-arian sa trahedya.

Garantisado namang magbibigay ng malakas na alarm ang detector upang magbigay-babala sa mga occupant.

Para sa karagdagan detalye, i-browse ang homesafenetwork.com. Ang 633 Fire and Safety Company ay located sa Prime Land Bldg., Madrigal Business Park, Ayala, Alabang, Muntinlupa City.

43

Related posts

Leave a Comment