NAGHAHAPIT PARA TAKPAN ANG KAPALPAKAN

SA paniwalang makatitipid ng kaunti, marami ang natuwa sa inilabas na kalatas ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng pinalawig na bisa ng rehistro para sa mga motorsiklo.

Bakit nga naman hindi – bukod sa iwas abala sa taunang kalbaryong kalakip ng komplikadong proseso ng LTO sa pagpaparehistro ng mga sasakyan, napaniwala ang mga may-ari ng motor na maiibsan ng kaunti ang hapding dulot ng kabi-kabilang bayarin.

Base sa Memorandum Circular 2023-2395 na nilagdaan ni LTO Chief Jay Art Tugade, mga bagong motorsiklo lang ang saklaw ng direktiba – at kailangan bayaran nang buo ang katumbas na gastusin sa karagdagang dalawang taong bisa ng rehistro.

Sa madaling salita, hindi makatitipid ang mga may-ari ng motorsiklo, bagkus, mabibigla sa laki ang sisingilin sa kanila ng ahensya.

Bago pa man lumabas ang direktiba ni Tugade, umani ng kabi-kabilang batikos ang LTO. Dangan naman kasi, ‘yung dating tamper-proof na driver’s license, yari na lang ngayon sa papel.

Katwiran ng LTO, naubusan ng supply ng plastic cards. Ang masaklap, kailangan din anila ng P240 milyon para punan ang kakulangan.

Kaya naman pala naghahapit ang LTO!

33

Related posts

Leave a Comment