PUNA ni JOEL O. AMONGO
MASASABI nating “good job,” ang ginawa ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) matapos na hindi nila payagang makapasok sa Pilipinas ang isang Amerikano na nahatulan sa kasong pang-aabuso sa kabataan sa kanilang sariling bansa.

Kinilala ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang Amerikano na si Ronald Huy Young, 54, na hindi kasama sa pinapasok sa bansa matapos dumating na sakay ng isang Philippine Airlines flight mula Honolulu noong nakaraang Linggo.
Si Young ay hindi pinapasok ng Immigration dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.
Sa nasabing batas, ang foreign nationals na nahatulan dati ng krimeng may kinalaman sa moral turpitude, ay hindi makapapasok sa Pilipinas.
Batay sa records ng Hawaii Criminal Justice Data Center, lumabas na si Young ay nag-plead ng guilty sa electronic enticement ng isang bata sa first degree.
Siya ay hinatulan ng First Circuit Court sa State of Hawaii ng sampung taon na pagkakakulong noong 2008, at kasama na sa state’s sex registry.
Kaya muling inulit ni Tansingco na ang aliens na may records ng sexual crimes ay hindi welcome sa bansa.
“The law is very clear in its intent to protect Filipinos from foreigners who might be engaged in sex tourism and may prey upon the vulnerable,” ani Tansingco. “Aliens with such criminal records are barred from entering our country,” dagdag pa ng hepe ng BI.
Si Young ay agad na pinasakay sa sumunod na flight pabalik sa kanyang pinagmulan at ang kanyang pangalan ay isinama sa BI’s blacklist.
Buti na lang at naagapan na maharang ng mga ahente ng BI ang nasabing dayuhan, kung hindi ay baka makapambiktima na naman ito ng ating mga kababayang kabataan.
Modus ng mga ito na kaibiganin ang mga kabataan hanggang sa makuha nila ang loob ng kanilang bibiktimahin.
Lalo na kung ang pamilya ng bata ay kapos sa pera, unti-unting bibigyan ng pera o kaya pagkain ang bata na bibiktimahin hanggang sa maging malapit ito sa suspek.
Kadalasan ang mga ganitong tao sa mga probinsya ang nakapambibiktima kung saan malala ang kahirapan.
Kawawa ang nabibiktima ng child porn, nasisira ang kanilang kinabukasan at hanggang sa paglaki nila ay ito ang kanilang pagkakakitaan.
May mga pangyayari pa na pikit-mata na lang ang kanilang mga magulang sa ginagawa ng kanilang mga anak para lang may maipanlaman sa kanilang sikmura.
oOo
Para sa sumbong at suhestiyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.