NAKATATABA NG PUSO

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO

NAKATUTUWA na napapansin tayo ng ilang mga mambabasa ng SAKSI NGAYON balitang totoo, ilan sa kanila ay nag-message na bawat labas daw natin ay may natututunan sila o nakakukuha ng mga idea.

Lalong nakatutuwa rin ang iba na nagtatanong kung ang mga sinasabi ko raw po ba ay nararanasan ko, nagagawa ko raw ba o baka naman puro lang ako theory, mga taong nagsasalita tungkol sa negosyo ngunit ito mismo ay walang resulta sa kanyang paksa. (WALK the TALK), ika nga.

Ako nga po pala ulit si ­Michael Rosario, tubong Pangasinan, nakipagsapalaran sa magulong Lungsod ng Maynila. Nakapagtapos sa pamamagitan ng pagtitinda ng kung ano-ano, dati po akong binatog at taho vendor sa Pasig, nakapagtapos, nagnegosyo ng kakanin at bakery.

Kasabay ng aking pagtuturo sa kolehiyo, sa kakulangan ng kinikita at maagang ­nagkapamilya, nasabak ako sa iba’t ibang mga direct selling company, salamat sa kanila, natuto ako kung paano ko pa mas lalong iaangat ang aking pakikipagsalamuha sa mga tao.

Ang networking o MLM ay akin ding napasukan at masasabi kong ito ang nagmulat sa akin kung papaanong mangarap nang mas mataas para sa aking pamilya.

Sa ngayon, may sarili na tayong kumpanya at tayo ay legitimate na employer, nagbabayad ng taxes at may regular employees at sinisiguro natin na nakatutupad tayo sa panuntunan ng labor or DOLE.

Tayo po ay may-ari ng isang direct selling company, at may-ari rin po tayo ng isang maliit na BPO local and international engage in collection and technical support.

Ituloy natin ang ating nakaraan na topic sa pag-uugali…

Allowing – sadyang mahirap ang ganitong principle, ‘yun bang sinisiraan ka na ay hinayaan mo lang, ‘yun bang pag-alis mo ng bahay, wala nang makain, okey pa rin, ‘yun bang ang ­daming bagay na galit ka pero ‘di ka pwede magalit bagkus ay hayaan lang ang lahat… sa ganitong ­sitwasyon napakahalaga na ‘wag mong kontrahin ang mga bagay-bagay.

Remember, the thing you persist will always insist, parang tanda ko pa dati, sa kanan ako daraan at may iniiwasan ako sa kaliwa tapos biglang nagkita kami.

Naranasan mo na din ba ‘yun?… ‘Yung ‘pag lagi mo sinasabing ang hirap ng buhay ay lalo kang naghihirap, ‘yung ang paa mo, itinatago mo dahil may sugat para ‘di matapakan tapos bigla pala matatalisod ka.

Hayaan lang ang problema, worrying is a sin, where is your faith… allow the negative things, ‘wag na ‘wag mong kokontrahin para hindi bumalik sa ‘yo… ‘wag ka nang magreklamo nang magreklamo, mas okey pumikit at manalangin… GOD is GOOD…

Last word: DO NOT COMPLAIN – parang kalokohan ito, sino ba naman na tao ang ‘di na marunong magreklamo lalo na sa taas ng presyo ng mga bilihin, sa dami ng kinahaharap na problemang financial.

Alam mo, maganda talaga itong isama sa allowing, minsan puro ka reklamo, after mo ba magreklamo, may solusyon, nagiging negative lang tuloy ang araw mo.

Tandaan mo, don’t control the uncontrolled things, tumaas ang bilihin, ‘di mo ma-control yan… ang i-control mo ‘yung kita mo. Tumaas ba ang presyo ng bigas ng limang piso kada isang kilo?

Payo ko lang, dagdagan mo ang kita mo ng 100 pesos kada araw.

Naalala ko pa dati noong kulang ang sahod ko sa pagtuturo sa college, eh gusto ko pa magkanegosyo, ‘pag may spare time ako, nagtitinda ako ng taho, o ‘pag hapon ang bakante ko, nagtitinda ako ng binatog o minsan bibingka na may latik… dagdag income.

oOo

Para sa ano mang reaksyon, tumatanggap po tayo ng suhestiyon, mag-text lamang sa cell# 0939-168-3316.

44

Related posts

Leave a Comment