NAPAPANAHON NA PARA SA CHARTER CHANGE

MY POINT OF BREW

NITONG linggo, ang House Constitutional Amendments Committee ay inaprubahan ang isang resolusyon na tumatawag ng Constitutional Convention (con-con) upang magkaroon ng amyenda o pagrerebisa ng ating 1987 Constitution. Mas kilala ito sa pangalang Charter Change o cha-cha.

Ilang beses nang nagtangka ang mga nakaraang administrasyon sa planong amyendahan ang ating Konstitusyon, subalit bigo sila na mahikayat ang sambayanang Pilipino upang umpisahan na ito.

Nagsimula sa panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos kung saan aktibong inilaban ito ng kanyang kababayan at kaalyado sa pulitika na si dating House Speaker Jose De Venecia. Sinundan ito ng medyo hilaw na tangka sa charter change ni Pangulong Joseph Estrada dahil napatalsik siya sa kapangyarihan dulot ng EDSA 2. Sa tagal naman ng nanungkulan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Malakanyang na mahigit anim na taon, hindi rin matagumpay ang tangkang pag-amyenda ng ating konstitusyon.

Medyo nanahimik ang isyu ng cha-cha noong panahon ni Pangulong PNoy. Natural hindi gagalaw ang planong pag-amyenda ng ating konstitusyon dahil sa panahon ng kanyang ina na si Pangulong Corazon Aquino naipasa ang 1987 Constitution.

Noong umupo si Pangulong Rodrigo Duterte, nagkaroon muli ng tangka ang ilang mambabatas sa charter change. Subalit malamya ang pagtanggap nito ni Duterte. Mas inuna pa niya ang kampanya laban sa iligal na droga at ang kanyang matagumpay na “Build Build Build program”, kung saan nakita natin ang malalaking mga programang imprastraktura upang makatulong sa pag-angat ng ating ekonomiya.

Kaya ang tanong, mapapasa kaya ang pag-amyenda ng ating Saligang Batas sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM)? Mariin na sinabi ni PBBM na hindi niya prayoridad ito. Subalit sa mainit na pagtanggap at pagkapanalo nito noong nakaraang eleksyon, maaaring senyales ito na nakararami sa sambayanan ang pabor na rebisahin ang ating konstitusyon.

Ang malaking katanungan kasi sa sinasabing pag amyenda ng ating konstitusyon ay kung ano-ano ba ang mga papalitan sa 1987 Constitution? Marami kasi ang nagpapakalat ng balita na ang mga ipapasok na amyenda ay para lamang sa kapakanan ng mga pulitiko. Dito kasi nailalarawan sa publiko na hindi maganda ang adyenda at pansarili lamang ng mga iilan ang pag-amyenda ng ating konstitusyon.

Kung ako ang tatanungin ninyo, napapanahon na upang baguhin at ayusin ang ating 1987 Constitution. Ang mga bumubuo ng gumawa nito ay may halong puot at bengansya sa pagbalangkas ng dating 1973 Constitution na ipinasa noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Kaya nagkaroon tayo ng komplikadong termino ng ating inihalal na mga politiko sa sangay ng ehekutibo at sa lehislatura. May mga kwestyonableng economic provisions sa ating Saligang Batas na hindi na akma sa modernong panahon.

Ang panukala ng House Constitutional Amendments Committee ay magkaroon ng con-con sa pamamagitan ng eleksyon ng mga delegado nito sa ika-30 ng Oktubre sa susunod na taon.

Dito mahalaga ang komposisyon ng mga inihahalal o pinipili na delegado ng con-con. Dapat ay walang bahid ng pansariling kapakanan upang makapagbibigay ng malinis at mataimtim na mga panukala sa mga amyenda ng ating konstitusyon. Ito ang pinakamahalagang aspeto para sa akin.

Hindi natin makakamit ang pagbabago ng 1987 Constitution kung hindi ito uumpisahan. Magkakaroon naman ito ng plebisito upang may boses ang mamamayan sa mga panukalang amyenda. Kaya huwag muna natin barilin ang plano na ginagawa ng ating mga mambabatas. Bigyan natin sila ng pagkakataon. Tutal ang mga ginagawa nila ay ayon sa batas.

***

Nangako ang local gaming OKBet na tutulong daw sila sa pagpapa-angat ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pag-promote ng responsible gaming.

Inihayag nila ito sa isinagawa nilang grand launch event sa isang hotel sa Maynila, na dinaluhan ng ilang Filipino artists, celebrities, athletes, at iba pang mga kilalang personalidad na sumusuporta sa mga adbokasiya ng OKBet.

Una nang inihayag ng Malakanyang na pursigido ang Marcos administration na maiangat ang ekonomiya ng bansa, katuwang ang mga pribadong sektor tulad ng OKBet.

Ang OKBet ay mayroong secured accreditation mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at isang trusted partner ng gobyerno para makalikom ng dagdag-kita para sa iba’t ibang development programs ng pamahalaan na pinakikinabangan ng mga Pilipino.

1622

Related posts

Leave a Comment