LETTER TO THE EDITOR
GOOD Morning, sir.
Nananawagan po kaming mga manggagawa sa private sector sa probinsya kay PBBM, sa House Speaker at sa Senado.
Sana po ay BUWAGIN na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa bansa. Gawing national minimum wage na lang at ipatupad sa buong bansa. Pareho lang naman kami sa mga manggagawa sa NCR.
Kung magkano sana ang pasahod sa NCR, sana ay ganoon din sa mga probinsya. Mas mahal pa nga ang mga bilihin dito sa probinsya kaysa NCR.
Kawawa talaga kami dito, ang baba talaga ng sahod namin. May binubuhay kaming pamilya, hindi na talaga namin makakaya ang mga bilihin dito.
Akala po namin ‘yung 100 pesos na dagdag-sahod ay aprubado na sa Senado. Saan na ‘yun napunta?
Sana maaksyunan na ng Kongreso at Senado ang batas ng dagdag-sahod para sa aming mga manggagawa sa private sector.
Ty and God bless you.
29