NERI GARCIA: EMPLEYADO NOON, AMO NGAYON

Bizzness Corner

ALAM naman natin na malaki ang ambag ng transportation industry sa ekonomiya, dahil dito ang lahat ng trabahador, mag-aaral at iyong ibang pribadong mga tao ay nakararating nang maayos sa kani-kanilang destination. Ngunit ano nga ba ang nagtulak kay Ms. Neria Garcia upang pasukin ang transportation industry?

Si Ms. Neria Garcia ay isang transport employee, sa kanyang pagtatrabaho sa industriya ay nakita niya ang hirap ng mga jeepney, bus at taxi drivers at ang araw araw na pinagdadaanan ng mga pasahero. Ito ang naging inspirasyon upang pasukin niya ang ganitong larangan ng negosyo upang makapagsilbi sa mamamayan sa industriya ng pampublikong transportasyon. 

Ito ay ang Premium Taxi, isang pampublikong sasakyan na mini van na may kapasidad na magsakay ng 7 katao. 

 Ito ay itinatag niya lamang noong 2020, sa kasagsagan ng pandemya, upang malunasan ang kakapusan sa transportasyon, na tinawag niyang Nerie Transport Services na matatagpuan sa Cubao, Quezon City

Dito ay sinisigurado niya na maayos at palaging nasa kalidad na kondisyon ang mga sasakyan. Bagong-bago ang modelo at maganda ang kanilang mga sasakyan na talaga nga namang ginawa nang may pagmamahal sa mga pasahero nito. 

“Sa ganitong larangan ay walang katapusan ang pag-aaral upang mas maging primera klase at kalidad ang serbisyo, at kailangan maayos ang komunikasyon sa mga driver,” ani Ms. Nerie. 

Ang mga drayber nito ang buhay ng mga sasakyan at nagpapanatili nito upang maging ligtas ang bawat byahe, kaya naman sinisigurado ni Ms. Nerie na naibibigay ang karampatang mga benepisyo para sa kanila at hands- on din siya sa ipinatutupad na mga batas ng gobyerno ukol sa pamamahala ng batas trapiko. 

Tunay ngang sa kabila ng pandemya ay lumalabas ang angking abilidad ng mga Pilipino at sa kabila ng sigalot na dulot ng pandemya ay natatagpuan natin ang pag-asa upang bumangon muli at magpatuloy patungo sa tagumpay. 

117

Related posts

Leave a Comment