NUCLEAR POWER PLANT SA PILIPINAS NAPAPANAHON NA!

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

SIGURO po naman ay kailangan na talaga nating harapin ang katotohanan na isa nga sa nagpapahirap sa mamamayan ay ang mataas na bayarin sa kuryente o ­enerhiya sa bansa.

Dahil ang isa sa buwanan na lamang na problema ng ­ating mga kababayan ay mataas na bayarin sa nakunsumong kuryente at ‘yan ay batid ng kasalukuyang administrasyon.

Kaya’t prayoridad ngayong taon ng MARCOS ADMINISTRATION ang pag-update sa NUCLEAR ROAD MAP ng PILIPINAS, ito’y upang ­masiguro ang kasapatan ng suplay ng enerhiya sa bansa.

Ayon sa OFFICE OF THE PRESS SECRETARY O (OPS ), na gagawing gabay ng Malakanyang, ay ang pag-update ng DEPARTMENT of ENERGY o DOE, sa Nuclear Energy ­Program,

Implementing Organization at Nuclear Energy Program Inter Agency Committee na siyang inaasahang tutugon sa mga hamong kinahaharap ng bansa na may kaugnayan sa enerhiya.

Nabatid na ang paggamit ng nuclear power ay isa sa mga ikinokonsidera ng administrasyong Marcos na gamitin upang masigurong hindi kakapusin ng suplay sa kuryente ang bansa.

Ang problema lang ay ang panghihimasok na naman ng mga kontra rito, na tiyak na kung ano-ano na namang mga black propaganda ang kanilang ilalatag sa lansangan upang palabasin na hindi kailangan ang nuclear power plant ng ­ating bansa dahil sasabihin nila ulit na banta sa kalusugan ng mamamayan at makasisira ng kalikasan ang nuke plant.

Sa totoo lang, dito sa Asya ay tayo na lang ang walang ­nuclear plant, eh, kaya sa buong Asya, tayo na rin lang ang may pinakamahal na binabayaran na kuryente.

At kung totoong masama sa mamamayan ang nuke plant, eh, bakit nga ang bansang Japan nang tamaan ng tsunami dahil sa lindol ang isa sa kanilang lugar na mayroong nuclear plant, wala namang napaulat na nagkaroon ng masamang epekto sa kanilang mamamayan doon.

At kung magkaroon man ng nuclear plant ang bansa ay tiyak namang mayroong safety measures na nakalagay sa pagbubuo ng nuke plant, ­ngayon pa ba naman na nasa makabagong panahon na tayo, kaya ‘yung lahat na safety measures ay tiyak namang ilalagay ‘yan sa pagtatayo ng isang nuclear plant, biro n’yo kung nagamit sana natin noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., o nai-­operate natin sana ‘yung Bataan nuclear plant disin sana’y hindi tayo naghihirap ng ganito sa pangangailangan ng enerhiya.

Kung sana’y hindi tayo napasok ng mga nagkukunwaring mga kabayan, ‘yun palay salot ng bayan, disin sana’y tayo ngayon ay isang progresibong bansa. At hindi nangungulelat na bansa.

Kaya para roon sa mga salot ng bayan, huwag na kayong UMEPAL dahil sa totoo lang, wala kayong naidulot na maayos sa ating bansa kundi isinadlak ninyo sa kahirapan ang bayan.

Ano nga ba ang naidulot ninyo at masasabing ikinaunlad ng Pilipinas? ‘Di ba WALA, kundi ang mga pagkukunwari ninyo na kayo’y mga makabayan subalit ang katotohanan kayo ay SALOT SA BAYAN!

178

Related posts

Leave a Comment