NURSES, MALAKI ANG DEMAND SA ABROAD DAHIL SA COVID-19

Aksyon OFW

DAPAT samantalahin ng Pilipinas ang inaasahang ma­laking kakapusan ng nurses sa buong mundo sa gitna ng pandemya na umabot na sa ikatlong taon.

Kasunod ito ng ­paglaganap ng Delta at ngayon Omicron variant sa Europe, Amerika at South Africa.

Ang patuloy na pagtaas ng demand sa nurses sa mauunlad na bansa ay nagdudulot naman ng mahinang health care system sa mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas.

Kada buwan libu-libong nurses at health ­professionals ang umaalis ng bansa at ­naghahanap ng greener pasture sa ibang bayan dahil sa kakarampot na sahod at mga benepisyo sa mga ospital dito.

Hindi na nakagugulat na mangibang bansa ang ating nurses at medical frontliners sa laki ng diperensya ng kanilang sweldo at mga insentibo kung ihahambing sa counterparts nila sa Asya, Amerika at Europe. Halos parehas lang din ang pagod nila sa paglaban sa COVID-19 at iba pang karamdaman.

Patuloy na nababawasan ang mga nurse sa Pilipinas at iba pang mahihirap na bansa, sa gitna ng pagkalat ng Delta at Omicron coronavirus ­variant.

Sa ulat ng International Council of Nurses, mas naka­kaungos ang Western nations sa pagre-recruit ng medical workers mula sa Africa at iba pang mahihirap na bansa dahil sa malaki ang sweldo at mas maraming benepisyo.

Sinabi pa ng ICN, halos dumoble sa 20 to 30% ang na-burned out o napagod nang todo na mga healthcare worker sa paglaban sa COVID-19 sa nakalipas na higit 2 taon sa buong mundo.

Ngayon, may nakalusot ng dalawang kaso ng omicron sa Pilipinas, hindi tayo dapat maging kampante sa ating sarili at mga lugar na pinu­puntahan.

Dapat maging maingat pa rin at sumunod sa health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.

Good News!

Ikinatuwa ng AKO OFW Party-list sa pamumuno ni Dok Chie Umandap at mga kasapi nito ang pag-apruba ng Senado sa third and final ­reading ng Department of Migrant ­Workers Act of 2021.

Tatalakayin natin sa ­susunod na kolum ang nilalaman ng panukalang batas na ito.

Inisponsoran ni Sen. Joel Villanueva ang nasabing batas na inakda ni Senador Bong Go. Magugunitang senertipikahang urgent measure ni Pangulong Digong Duterte ang nasabing panukala.

Ito rin ay isa sa naging campaign promise ni Pangulong Duterte noong 2016
elections.

Para inyong komento, suhestyon at opinyon, i-send lang sa dzrh21@gmail.com.

3

Related posts

Leave a Comment