OFWs MULA SA SAUDI, HUMINGI NG TULONG SA AKOOFW

0

DUMULOG sa AKOOFW si Lovely Toledo, OFW mula sa Tupi, South Cotabato na kasalukuyang nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Lovely, nakarating siya sa Riyadh, sa pamamagitan ng MEJA International Manpower Agency at ang kanyang ahensya sa Saudi Arabia ay Panorama Recruitment Agency.

Ang isinumbong ni Lovely ay ang pananakit sa kanya ng kanyang employer.

Diumano, noong July 24 ng taong kasalukuyan ay naganap ang pananakit sa kanya.

Ayon sa kanya, sinipa at sinampal siya ng kanyang among lalaki.

Mabuti na lamang at hindi siya napuruhan ng sampal sa mukha dahil nakailag siya.

Ngunit, tinamaan naman siya sa kanyang ulo.

Pilit na kinukuha ng kanyang amo ang kanyang hawak na celfone, ngunit naitago niya ito dahil alam niya na ito na lamang ang natatangi niyang sandata para siya ay masaklolohan.

Matindi ang takot ni Lovely, kaya siya ay nakiusap na agaran siyang masaklolohan.

Agad kong ipinarating ang sumbong na ito ni Lovely kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Welfare Officer Racquel Kunting upang siya ang makipag-ugnayan sa ahensya nito para mabilis na makaalis si Lovely sa malupit na employer nito.

Samantala, labis-labis din ang pakiusap ni Maribel Inocillas upang siya ay matulungang makauwi sa Pilipinas.

Ayon kay Maribel, noon pang April 29, 2018 siya ­nakarating sa Dammam, Saudi Arabia, sa pamamagitan ng ­Supreme Agency.

Ngunit, ang nasabing ahensya ay nagsara, kaya wala na siyang matakbuhan para mahingian ng tulong.

Nakiusap si Maribel na siya ay makauwi sa Pilipinas dahil matagal nang tapos ang kanyang dalawang taong kontrata bilang kasambahay.

Maraming beses na siyang nakiusap sa kanyang employer para pauwiin siya sa Pilipinas, ngunit ito ay nagbingi-bingihan lamang sa kanyang pakiusap.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment