OFWs SINERMUNAN NI OWWA CHIEF ARNEL IGNACIO

RAPIDO NI TULFO

NAKATIKIM ng sermon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio ang mga kababayan nating Pinoy na nasa ibang bansa.

Ayon sa isang post ni Ignacio, marami sa OFWs, lalo na ang nasa Middle East, ang gumagawa ng kalokohan kahit alam nilang bawal.

Ilan umano sa mga OFW ay “curious” kung ano ang nasa border kaya pinipilit na lumipat ng border kahit na alam nilang bawal at ang pagpapabuntis ng mga Pinay sa mga bansang “haram” o ipinagbabawal ang ganitong gawain.

Ang ikinaiinis ni Ignacio ay ang pagsusumbong ng ibang OFWs sa media kung saan hindi sinasabi ang totoo. Nadadamay pa umano ang mga pinagsumbungan nila dahil mali-mali ang ibinibigay na detalye.

Sa pagtatapos, sinabi ni Ignacio na dapat ay umayos ang mga Filipino na nasa ibang bansa dahil bukod sa nadadamay ang matitinong OFWs, sila umano ay maituturing na mga ambassador o representatives ng Pilipinas kung saan mang bansa sila naroon.

Naging katatawanan ngayon ang viral video sa Senado kung saan makikita si Sen. Jayvee Ejercito at ang baguhang si Sen. Robin Padilla.

Makikita sa viral video na binubulungan pa si Sen. Ejercito ng kanyang staff kung ano ang sasabihin tungkol sa pagdinig sa panukalang batas kung saan si Sen. Padilla ang author.

Nagmukha umanong sarswela ang pagdinig sa Senado at naging kumpulan ng katatawanan.

Ayon sa mga miron, ano raw kaya ang reaksyon dito ng mga bumoto kina Ejercito at Padilla sa ipinakita nitong performance sa Senado?

 

306

Related posts

Leave a Comment