ONE MEDICAL MISSION NI MATAG-OB MAYOR BERNIE TACOY AT THUNDERBIRD KATULONG SA PAGBANGON NG SABONG!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY ang paghahatid ng serbisyo-publiko ni Mayor Bernie Tacoy sa mga taga-Matag-ob, Leyte.

Ganyan niya kamahal ang kanyang mga kababayan doon. Ginagawa na niyang tradisyon ang pagtulong sa mahihirap. Lagi siyang nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa mga ito.

Kamakailan ay nagsagawa ito ng “One Matag-ob Medical Mission” katuwang ang One Love Medical Group, mga doktor, at iba pang medical personnel.

Sa pagdiriwang naman ng 1st Himorasak Festival, nagbigay ng tulong at kooperasyon ang Matag-ob LGU, kasama ang BGT Racing Team.

Doon ay ibinida ng mga local at invited motocross riders ang kanilang dirt bike sa racing.

Prayoridad din ni Tacoy ang pag-aaral ng mga bata o edukasyon. Dahil mahirap ang kanilang lugar, tinutulungan niya ang mga estudyante.

Noong unang bahagi nga ng pasukan, naaalala ko na nagkaroon ng libreng sakay program.

“LGU Matag-on in cooperation with BGT CARES Foundation offers FREE Transportation alang sa atong mga estudyanti…matag buntag ug hapon. Atong kabataan atong giyahan padong sa ilang kaalam. Soar high One Matag-ob, let’s fly as one,” sabi ng Matag-on LGU.

Napakahusay talaga ni ­Mayor Tacoy. Walang naiiwan sa mga serbisyo at tulong na ibinibigay niya sa mga taga-Matag-ob.

Samantala, nagdaos naman ang Thunderbird ng Manila Challenge 6-Stag All Star Invitational Derby sa Manila Arena kamakailan.

Layon nitong makalikom ng pondo para magamit sa programang pangkawanggawa at pangangailangan sa health center na itinayo sa probinsya ng Palawan.

Aba’y kung matatandaan, halos lahat yata ng backyard breeders at maging ang malalaking farms ay naapektuhan ng COVID-19.

Kaya naman, pinangunahan nila ang event para makabangon ang sabong, ayon kay Alimario Flores, Trade Marketing Head ng Thunderbird.

Nandiyan palagi ang Thunderbird para tumulong sa industriya na pinadapa ng pandemya.

Ang ilang mababagsik na breeders ay lumahok sa Manila Challenge na kinabibilangan ng mga tigasing sina Patrick “Idol” Antonio, Rey Briones, dating Palawan Governor at Congressman Abraham ‘Baham’ Mitra, at iba pa.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

31

Related posts

Leave a Comment